'Honeymoon' nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo nadamay sa magnitude 7 na lindol, anyare? | Bandera

‘Honeymoon’ nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo nadamay sa magnitude 7 na lindol, anyare?

Ervin Santiago |July 27,2022
facebook
share this

‘Honeymoon’ nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo nadamay sa magnitude 7 na lindol, anyare?

Ervin Santiago - July 27, 2022 - 12:59 PM

Hidilyn Diaz at Julius Naranjo

WALA pa rin talagang kupas ang mga Pinoy pagdating sa kalokohan at pagiging komedyante kahit na nasa gitna ng trahedya at kalamidad.

Pagkatapos na pagkatapos ng magnitude 7 earthquake na yumanig sa probinsya ng Abra na naramdaman din sa iba pang lugar sa Luzon at Metro Manila, nakapag-joke, joke, joke na agad ang ilang netizens.

At karamihan nga sa mga ito ay nagkomento na ang dahilan daw ng malakas na lindol kaninang umaga ay dahi sa “honeymoon” ng bagong kasal na sina Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz at Coach Julius Naranjo.

Nang maglabasan ang balita sa social media tungkol sa magnitude 7 na lindol kung saan ang epicenter nito ay ang Lagangilang, Abra, kanya-kanyang post din ang netizens hinggil dito.

Pero ang nakakaloka nga ay ang pagkakadamay nina Hidilyn at Julius sa nangyaring earthquake na ikinasal na kahapon sa St. Ignatius Church sa PMA, Baguio.

Biro ng mga netizens, parang apektado raw ang buong Luzon pati na ang NCR sa “honeymoon” ng weightlifter champ at ng kanyang coach dahil hindi lang daw ang hotel nila sa Baguio ang umuga kundi sa buong rehiyon ng Luzon na umabot pa sa Metro Manila.

“May nagsabi na ang lindol ay epekto daw ng honeymoon ni Hydilyn at asawa niyang weightlifter din.”

“Hidilyn at Julius, hinay-hinay po sa honeymoon. You have nothing to prove. The whole country knows how strong you both are. Best wishes po.”

“Conspiracy Theory: Magnitude 7 na lindol kasi honeymoon nina Hidilyn Diaz/Julius Naranjo. Iba impact pag Gold medalist sa Weightlifting.”

“Grabeeeng honeymoon ni Hidilyn damang dama ng Pinas.”

Ilan lang yan sa mga naging reaksyon ng netizens tungkol sa walang kamalay-malay na honeymoon nina Hidilyn at Julius.

Isang kaibigan pa nga ang nagtanong kay Hidilyn kung masyado silang naging “mapusok” kaya naramdaman sa maraming lugar ang pagyanig mula sa kanilang hotel room.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gideon Hermosa (@gideonhermosa)


In fairness, ni-repost pa ito ni Hidilyn sa kanyang Instagram Story kung saan mababasa ang mga katagang, “@imjulius @hidilyndiaz Was that you two, getting raunchy?”

May ipinost din ang Olympic gold medalist sa kanyang IG page na litrato nila ni Julius, kasama ang iba pang guests, na kuha sa labas ng hotel na kanilang tinutuluyan sa Baguio.

“Earthquake” lang ang tanging caption ni Hidilyn sa kanyang Instagram Story.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa Phivolcs, Intensity 6 ang naramdamang lindol sa Baguio kaya ramdam na ramdam din ang malakas na pagyanig.

Abra niyanig ng magnitude 7 na lindol; naramdaman din sa NCR, iba pang bahagi ng Luzon

Bongbong Marcos siniguro ang mabilis na aksyon sa mga biktima ng magnitude 7 earthquake

Yam apektado ang honeymoon dahil sa COVID; pinayuhan sina Gerald at JM sa pagpapakasal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending