Bakit P20k at P35k ang VIP tickets sa ‘Evoluxion’ digital concert ng Ex Battalion?
Ex Battalion
BONGGA ang pagbabalik sa eksena ng grupong Ex Battalion sa entertainment scene dahil sa dami ng paandar nila sa bago nilang project.
Siguradong miss na miss na ng kanilang mga tagasuporta na matagal nang naghihintay na muli silang mapanood nang sama-sama sa isang concert stage.
Isang three-hour concert ang inihahanda ngayon ng Ex Battalion na pinamagatang “Evoluxion: The Ex-Battalion Digital Concert” na gaganapin sa Araneta Coliseum at mapapanood nang live sa ktx.ph sa Dec. 11, Saturday, 8 p.m..
Ang “Evoluxion” ang first major concert ng Ex-Battalion na itinuturing na biggest hip-hop group sa bansa. May mahigit 1 billion accumulated views at more than 4 million subscribers sa YouTube.
Asahan daw sa concert ang mga kantang pinasikat ng grupo na kakantahin nila nang live with a full band under musical director Raul Mitra.
Isa rin sa magiging highlights ng concert produced by RS Francisco and Sam Verzosa ng Frontrow ay ang pagpapalabas ng rags-to-riches story ng bawat miyembro ng Ex Battalion.
Mabibili ang ticket para sa online concert ng grupp sa halagang P300 to P2,000 at nasa P20,000 to P35,000 naman ang pinakamahal na ticket.
Sa bibili ng P20k ticket, may special promo package dito ang grupo. Bukod sa access to online concert, magkakaroon din sila ng printed ticket, EXB greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster, EXB mask and shirt, RS mask and shirt, SV shirt and jacket, and an exclusive dinner with the EXB.
Sa pinakamahal namang presyo ng ticket na P35,000 ay makukuha rin nila ang benefits na meron sa P20k ticket holder with an exclusive access to the Listening Party (inclusive of cocktails) featuring never-before-heard (unreleased) EXB tracks na gaganapin pagkatapos ng exclusive dinner kasama ng EXB.
Paliwanag ng producer na si RS kung bakit ganu’n kamahal ang ticket, “I was the one who actually open the idea of having VIP tickets. Of course, as we know these boys have millions of fans and kunwari ako fan nila, baka mabitin ako sa concert lang.
“Sometimes may ganu’n, eh, baka mabitin ka, kaya naghahanap ka pa ng zoom kung saan sila magha-hi and hello. May ibang sa sobrang fan nila, bitin pa rin yung ‘hi and hello’ gusto nilang makarinig ng kuwento,” sey pa ni RS sa ginanap na digital presscon ng concert.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “Marami talaga akong fans na pini-PM ako sa Facebook na kumusta si Flow-G, Skusta Clee, Brando, Emcee Rhenn, King Badger, Bullet-D, Jnske, Cent, Jekkpot, Hudass, Mckoy, KentMNL, Reid Villavicencio, Jomar Lovena, and Flip-D. As in, marami silang gustong malaman about these boys.
“Kaya teka, gawa kaya tayo ng VIP Tickets na kung saan they will get to know these boys na they can have dinner with them. Ito talaga literal. I’ve scheduled a dinner not just in any restaurant, a dinner in Manila Hotel plated dinner where in they can meet and greet and literally have photos with them, chat with them, get to know them, ask them questions live face to face.
“Wherein after that dinner magkakaroon ng after party with full force Ex Battalion, magkakaroon sila ng listening session, party session. These boys marami silang unreleased songs na hindi pa lumalabas.
“Lalabas pa lang sa 2022 pero dahil kinuha yung ‘Atin ang Gabi’ package maririnig nila for the first time, sila ang unang makakarinig ng mga songs na yon. Saka ito jamming talaga, as in, hindi yung literal na nakaupo lang sila,” sabi pa ng producer at aktor.
At bukod dito, beke nemen pwede na ring maka-kiss at maka-hug ang mga fans sa mga paborito nilang member ng grupo tutal ay pinapayagan na rin ang mga face-to-face events basta kailangan lang sundin pa rin ang ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan para hindi magsisi sa huli.
Available na ngayon ang ticket para sa “Evoluxion” concert ng Ex Battalion sa ktx.ph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.