Lolit ayaw tantanan si Bea: Ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy Bandera

Lolit ayaw tantanan si Bea: Ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy

Therese Arceo |June 29,2022
share this

Lolit ayaw tantanan si Bea: Ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy

Therese Arceo June 29, 2022 - 04:07 PM

Lolit ayaw tantanan si Bea: Ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy

AYAW talagang tigilan ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Muli na naman kasi itong naging sentro ng kanyang Instagram post.

Ani Lolit, may mga nagsasabi raw na parang wala nang ningning si Bea Alonzo at parang hindi raw masyadong excited ang tao sa paglabas niya sa telebisyon at mas excited raw ang madlang pipol sa pagsasama ng mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang sitcom.

Dagdag pa niya, “Kasi nga ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy si Bea Alonzo, baka dahil narin sa edad niya at lagi ngang nasa isip mo na pinalitan ni Gerald Anderson ng mas batang Julia Barretto kaya tuloy ang lagi mo naiisip, baka dahil old na si Bea at young si Jullia kaya na ghosting.”

Chika pa niya, may panahon pa raw na inakala ng marami na mala-diyosa ang ganda ng aktres pero iniwan pa rin daw sa ere.

“Dapat sa edad niya meron na siyang asawa at mga anak, pero single parin kaya nagtatanong ka, ano dahilan? Sana naman makakita na siya ng tunay na magmamahal sa kanya para hindi siya maging bitter sa buhay,” pagpapatuloy pa ni Lolit.

Nanawagan pa nga soya na sana ay magkaroon na ng partner si Bea at alukin ng kasal para raw makahanol pa sa last trip at magkaroon pa ng mga anak.

Kasalukuyang happy ang aktres sa kanyang love life dahil matapos nga ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Gerald Anderson ay finally, nahanap na ni Bea ang taong muling nagpapatibok ng kanyang puso

Samantala, nitong araw ay muli na naman nag-pot si Lolit na may kinalaman pa rin sa aktres.

Inamin kasi ni Bea ba willing siyang makipagtrabahong muli ang mga dating karelasyon bukod sa isa.

“Tawa naman ako sa mga lumabas na items ni Bea Alonzo, Salve. Meron duon na sinabi niya na never na siyang sasama sa isang project na nanduon si Gerald Anderson.

“Wow ! Strong words. Tandaan ni Bea Alonzo na ang nang iwan sa kanya si Gerald Anderson, hindi siya. So huwag palabasin na parang ang may choice si Bea,” sey ni Manay Lolit.

Sabi pa niya, “Si Gerald ang nasa upper hand dito dahil siya ang nang iwan, hindi siya iniwan, dahil ang na ghosting si Bea.

“Ok kung gusto ni Bea Alonzo mag power tripping, mamili ng partner, fine, go. Pero tandaan niya hindi siya ganuon kasikat, marketable para siya ang masunod sa casting.”

Baka nga raw sa “power tripping” ng aktres sy ito ang palitan dahil marami raw na mas malalaking stars ang mag malakas na hatak sa manonood kaysa sa kanya at mas bata, mas maganda at mas professional.

Hirit pa ni Lolit, “Kaya huwag maarte na nagsasabi na hindi ko type kasama si ganito o ganyan, dahil tignan muna ang level bago mag demand.

“Huwag over sa power tripping, baka mapahiya lang. Payo lang po, huwag mapikon, para huwag lumabas wrinkles.”

Nananatili namang tahimik at walang imik ang aktres sa mga patutsada sa kanya ng kolumnista.

Related Chika:
Bea hindi pa rin napapatawad si Gerald; ayaw nang ma-pressure kung kailan magpapakasal

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending