Tambalang Alden-Bea ipinagtanggol ng fans sa mga bashers: ‘Kilig to the bones at super perfect tandem’
KUNG may mga nangnenega at nang-ookray sa Kapuso primetime series na “Start-Up PH”, meron din namang mga pumupuri rito kabilang na ang mga Pinoy K-drama fans.
In fairness, talagang pinag-usapan ang pagsisimula ng teleserye nina Alden Richards at Bea Alonzo sa social media at napasama pa sa mga top trending topic sa Twitter nang umere na ang pilot episode nito noong September 26 with the hashtag #SUPHWorldPremiere.
“GMA really managed to meet my high expectations. Kudos to the team and the cast! For sure, many will get inspired to pursue their dreams regardless of the countless hindrances. I can say that this show will get me hooked just like the original Korean TV series,” ang comment ng isang Twitter user.
Nakapasok din sa top trends ang “ALDENxSUPH GoodBoyTristan” at “Bea Alonzo” habang umeere ang unang pasabog na episode ng “Start-Up PH” kung saan ipinakilala na ang mga karakter nina Bea as Dani at Alden bilang si Tristan.
View this post on Instagram
“Grabe ‘yung glow ng screen ‘pag magkasama sina Tristan at Dani! Sobrang proud kami sa yo, Alden at sa buong team! TrisDan skinship on the first episode. Kilig to the bones and super perfect tandem. Walang kupas sa pag-arte ang nag-iisang Bea Alonzo,” komento ng isang fan.
Todo naman ang pasasalamat ni Alden sa lahat ng sumusubaybay sa bago nilang serye, “We’re very happy na nagustuhan ng Filipino audience at mga Kapuso natin. We can’t wait. Patikim pa lang ‘yan sa more beautiful episodes and storytelling para sa adaptation ng Start-Up.”
Sey naman ni Bea, “Mula sa Start-Up PH family, maraming, maraming salamat po sa inyong pagsuporta and overwhelming reviews para sa aming show. Nakakakilig kayo!”
Inaabangan na rin gabi-gabi ang karakter nina Yasmien Kurdi as Ina at ni Jeric Gonzales as Dave. Sey ng isang fan ni Yasmien, “Sobrang idol at love ko talaga si Yasmien. We’re so excited to meet the Sison sisters!”
Chika naman ng mga supporters ni Jeric, “Mahusay kang umarte at masaya kaming may ganito kang kalaking project! Sana magtuloy-tuloy na. Susubaybayan namin ang kwento mo, Dave!”
Ang iba pang kasali sa serye ay sina Gabby Eigenmann as Arnold; Kim Domingo as Stephanie; Jackielou Blanco as Sandra; Ayen Munji Laurel as Alice; Boy2 Quizon as Wilson; Royce Cabrera as Jefferson; Niño Muhlach as Samuel; Lovely Rivero as Dang; Kevin Santos as Darwin; Tim Yap as Angelo; Jay Arcilla as Anjo; Kaloy Tingcungco as Spencer; Brianna as Joan; and Ms. Gina Alajar as Lola Joy. Completing the cast is the special participation of Neil Ryan Sese as Chito.
“Start-Up PH” is the first-ever TV adaptation of the breakthrough 2020 South Korean series, which is based on the original format “Start-Up” created by Hyeryeon Park and produced by Studio Dragon Corporation, co-produced by Studio Dragon and CJ ENM.
Ito’y sa direksyon nina Dominic Zapata at Jerry Lopez Sineneng at napapanood weeknights, 8:50 p.m. sa GMA 7.
https://bandera.inquirer.net/320234/negosyo-tips-ni-alden-huwag-masyadong-maging-emosyonal-kapag-nagdedesisyon-dahil
https://bandera.inquirer.net/324833/bea-maraming-natutunan-kay-alden-habang-nagtatrabaho-pwede-ka-ring-mag-enjoy-while-working
https://bandera.inquirer.net/313354/alden-feeling-nostalgic-nang-makatrabaho-si-bea-idol-ko-yan-ngayon-kaeksena-mo-na-seryoso-ba-to
https://bandera.inquirer.net/316804/alden-mas-nag-effort-bilang-leading-man-ni-bea-sa-start-up-ph-kailangang-lumebel-kay-kim-seon-ho
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.