Alden may bonggang paandar kay Bea: Kapag sinasabi ko sa kanya 'yun, naiinis siya sa akin | Bandera

Alden may bonggang paandar kay Bea: Kapag sinasabi ko sa kanya ‘yun, naiinis siya sa akin

Ervin Santiago |July 07,2021
facebook
share this

Alden may bonggang paandar kay Bea: Kapag sinasabi ko sa kanya ‘yun, naiinis siya sa akin

Ervin Santiago - July 07, 2021 - 12:37 PM

IBINUKING ni Alden Richards sa publiko na “naiinis” sa kanya ang award-winning actress na si Bea Alonzo kapag nababanggit niyang super fan siya ng dalaga at ni John Lloyd Cruz.

Kuwento ng Asia’s Multimedia Star, kahit noong nagsisimula pa lang siya sa mundo ng showbiz ay sinusubaybayan na niya ang mga proyekto ng tambalan nina Lloydie at Bea.

Sa interview ng “Unang Hirit” kay Alden, napag-usapan nga kung gaano siya kabilib sa galing ng dating magka-loveteam. Napakataas daw ng respeto niya sa dating Kapamilya stars.

Kaya naman pina-rate kay Alden ang pagiging alagad ng sining ng magiging leading niya sa bagong pelikula — walang kaabug-abog 10 out of 10 ang kanyang naging sagot.

“Siyempre, 10! Sinasabi ko talaga  ‘yan. Kapag sinasabi ko nga sa kanya ‘yan, naiinis siya sa akin. Sasabihin ko ‘B, alam mo ba, parang di pa ko artista, sobrang idol ko na kayong dalawa ni John Lloyd. Every movie, you offer something new,” pahayag ng Pambansang Bae.

Kaya naman nagpapasalamat si Alden dahil finally ay mabibigyan na siya ng pagkakataon na makatrabaho si Bea sa pelikula.

Sila ang bibida sa Pinoy version ng Japanese series na “Pure Soul,” na ginawa na ring pelikula ng South Korea na may titulong “A Moment to Remember.”

“Kahit hindi pa po po kami nag-i-start at the moment, para kasing ‘yun ‘yung pinaka-bucket list ng mga actors, is really to work with actors who are the biggest names in the industry, kumbaga,” sabi pa ni Alden.

Una nang nagkatrabaho ang dalawa sa TV commercial para sa isang brand ng shampoo.

Samantala, kapansin-pansin naman ngayon ang kaseksihan ni Bea lalo na nang humarap siya sa entertainment media matapos pumirma ng kontrata.

Ayon sa dalaga, talagang kinakarir niya ngayon ang pagpapaka-healthy hindi lamang para pumayat at maging sexy, may mas malalim pa raw siyang dahilan about it.

“I became a little health-conscious, especially because of what happened to my mom. She can no longer walk.

“Her legs are thin, her lower body cannot support the weight of her upper body. Her knees broke down. It’s something I don’t want to happen to me,” aniya sa interview ni Jessica Soho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin ng aktres na nag-gain siya ng weight noong kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemic pero naibalik na niya ang dating katawan sa tulong na rin ng ginawa niyang 30-day fitness journey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending