Heart diniretso ni Chiz: Pag wala na 'ko, magpapakasal ka ba uli?

Heart diniretso ni Chiz: Pag wala na ‘ko, magpapakasal ka ba uli?

Ervin Santiago |March 18,2024
facebook
share this

Heart diniretso ni Chiz: Pag wala na ‘ko, magpapakasal ka ba uli?

Ervin Santiago - March 18, 2024 - 12:15 AM

Heart diniretso ni Chiz: Pag wala na 'ko, magpapakasal ka ba uli?

Heart Evangelista at Chiz Escudero

DIRETSAHANG tinanong ni Sen. Chiz Escudero ang asawang si Heart Evangelista kung mag-aasawa pa uli kapag nawala na siya sa mundo.

Gusto lang daw malaman ng senador kung ano ang magiging desisyon ng Kapuso actress at fashion icon tungkol sa usaping pagpapakasal muli ng isang misis sakaling mamatay na si mister.

Sa part 2 ng panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa celebrity couple last Friday, natanong sila kung ano ang nais nilang itanong sa isa’t isa.

Sagot ni Sen. Chiz habang nakatitig sa kanyang wifey, “Kapag wala na ako, magpapakasal ka ba uli?”

Mabilis namang sagot ni Heart: “Never! Never TikTok. Everybody never!”

Baka Bet Mo: Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa!

Ang question naman ng aktres kay Chiz ay may konek sa pagtanda at sa pamumuhay nang mag-isa sakaling dumating nga ang araw na hindi na sila magkasama.

“One day, when you are no longer with me, ‘pag nasa 90 plus na ako, will you leave me a map so I can navigate my life, because I won’t be able to navigate it?” sey ni Heart sa asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tumatawang hirit ng senador, “Definitely. Mumultuhin kita, darling.”

Naniniwala si Heart na tama lang na sabihin ng isang tao ang mga plano niya sa buhay sa lahat ng mga mahal niya sa buhay, lalo na sa mga pinagkakatiwalaan niya.

“You only show the blueprint of your life to those you trust,” pahayag pa ng aktres.

May advice naman si Sen. Chiz sa kanyang asawa tungkol sa usaping ito, “Basically, I told her It’s just arm’s length. People you work with, you meet outside of those who are really close to you and you grew up with, it’s just arm’s length.”

Baka Bet Mo: Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?

Sumabat naman agad si Heart, “But the best news is.. Because it’s authentically you This blueprint or this map will continuously change as you grow.

“So somewhere along the way, whoever took this map will lose their way, so wala na ako roon,” katwiran niya.

Nauna rito, inamin ni Heart na nalulungkot siya sa ipinararamdam sa kanyang “tough love” ni Chiz.

“You would think kasi na sa dynamics namin na bine-baby niya ako or anything, hindi siya ‘yung ganu’n na type. In a sense, he was very tough love, so I had to learn certain things in the real world outside our family,” ani Heart

Nag-explain naman ng senador hinggil dito, “‘Tough love nga eh. Kailangang matutunan mo ito. Mas matanda ako sa ‘yo. Paano ka kapag wala na ako?’

“Until one time, sinabi niya (Heart) ‘’Yun nga ang point. Nandito ka pa, bakit ganiyan na. Hindi ba puwedeng pagdating na lang ng panahong iyon?’” chika pa ni Chiz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpakasal sina Heart at Chiz noong 2015 at nito lamang nagdaang February ay naganap ang kanilang renewal of vows sa Balesin Island. Isinabay nila ito sa kanilang wedding anniversary at birthday ni Heart last Valentine’s Day.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending