Chiz Escudero kay Heart Evangelista: Sabi ko sa ‘yo tatanda ka rin
ALIW na aliw ang mga netizens sa pabirong lambing ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang asawang si Heart Evangelista.
Ibinahagi kasi ng senador ang stolen shot ng Kapuso actress habang abala ito sa pagpe-paint ng handbag.
Makikita na nakasuot ang maybahay ni Sen. Chiz ng kanyang prescription glasses upang mas makita marahil ang maliliit na detalye ng pinipintahang hand bag.
“Sabi ko sayo tatanda ka DIN eh… di lang ako…” saad ng senador.
Marami naman sa mga netizens ang nagkomento sa kanyang post sa X (dating Twitter).
Baka Bet Mo: Heart rumesbak sa nangwawasak: ‘OK lang sa asawa ko na hindi ako perfect’
Sabi ko sayo tatanda ka DIN eh… 👵 di lang ako… 🧓 pic.twitter.com/3fgbPDjnea
— Chiz Escudero (@SayChiz) December 8, 2023
“Haha ang cute ni hearty,” saad ng isang netizen sa post ni Chiz.
Dagdag naman ng isa, “Baka dahil sa sobrang kapal ng eyelash extension din siguro. Sino ba nagbudol kay Heart na ganyan kakapal ang extension nya? Ganda kaya nya nung wala pa syang eyelash extension.”
Segunda rin ng pang netizen, “I think her eyesight problem not really because she’s getting old, her lash extensions are so long.”
Kamakailan lang nang ibalita na nagkaayos na ang asawa ni Chiz sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Chika ni Heart, si Marian pa nga raw ang unang nag-reach out sa kanya para magkaayos silang dalawa.
“I really do give credit to Marian. She really spoke to a lot of our common friends that she’d like to see me, ganyan,” pagbabahagi ng maybahay ni Chiz sa kanyang naging panayam sa “24 Oras”.
Wish rin ni Heart na sana raw ay magkita na sila ni Marian nang personal.
“Parang magpapasalamat ka na lang na things were done and things were removed for the better. So, I think, for me, that’s all I need,” sey ng asawa ni Sen. Chiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.