Heart rumesbak: 'OK lang sa asawa ko na hindi ako perfect'

Heart rumesbak sa nangwawasak: ‘OK lang sa asawa ko na hindi ako perfect’

Ervin Santiago |December 04,2023
facebook
share this

Heart rumesbak sa nangwawasak: ‘OK lang sa asawa ko na hindi ako perfect’

Ervin Santiago - December 04, 2023 - 07:05 AM

Heart rumesbak sa nangwawasak: 'OK lang sa asawa ko na hindi ako perfect'

Heart Evangelista

KUMAKAGAT ang mga naging pahayag ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na pinaniniwalaang patungkol sa dati niyang glam team.

Napanood namin ang unang episode ng kanyang New York Fashion Week journey sa kanyang YouTube vlog kung saan makikita ang highlights ng pagrampa niya sa sosyalerang event.

Ibinahagi niya ang ilang lugar na pinuntahan niya roon para sa fittings pati na ang mga bonggang dress at shoes na nabili niya sa New York at ang mga binisita niyang mga restaurant.

Nag-share rin si Heart sa kanyang fans ng naging usapan nila ng dati niyang talent manager na si Arnold Sebastian Mendoza, na naninirahan na ngayon sa Amerika.

At isa nga sa napag-usapan nila ay ang isyu about trust at pagkasira ng isang samahan at friendship pero wala silang binabanggit na pangalan sa kanilang chikahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero base sa naging takbo ng usapan, naniniwala ang mga nakapanood sa vlog ni Heart na ang tinutukoy nila ang dating make-up artist ng Kapuso actress na si Justin Soriano, at ang dati niyang hairstylist na si Jeck Aguilar.

Hugot ni Heart, “You cannot trust anybody. Only yourself and just a chosen few, especially when they want more.”

Um-agree naman sa kanya si Arnold, “You can’t be everybody’s cup of tea. Kahit na ano pang gawin mo, magta-tumbling ka, meron pa rin ang ayaw sa iyo.

“Ano lang, simple na, kung kanino ka nagsimula, kung paano ka nagkaroon ng pangalan, bigyan mo naman ng ano… di ba?” aniya pa.

Baka Bet Mo: Tanong ni Andrea sa mga kapwa celebrity: ‘Kayo ba ay masipag at mabait sa lahat? O, kayo ba yung artista na nang-aapak ng iba para makaangat?’

Pagpapatuloy ni Heart, “If they want to do other clients, wala namang problema. Tell me naman because ako, bawal, kayo puwede? Bawal akong mag-react?” Na muling sinang-ayunan ni Arnold sabay sabing, “Bastos talaga.”

Sey pa ng wifey ni Sen. Chiz Escudero, “Dear, ito na nga yung pinakagrabe sa lahat. Sinabi niya sa akin na kailangan daw ng tatay ng kidney.”

Reaksyon ni Arnold, “Grabe! ‘Day, nagiging ano kayo, influencer, dahil kay Heart. Mga bakla kayo, magre-resign kayo…sulat? Kakapal naman ng mga mukha niyo.

“Puwede mo namang kausapin yung tao. May magagawa ba siya kung gusto niyo na siyang iwan? Pero, sana, namili kayo nung maayos na paraan,” ang bwisit na bwisit pang sabi ng dating talent manager.

Sey naman ni Heart, “True.”

Pagpapatuloy ni Arnold, “Dinala kayo sa ibang bansang hindi niyo kayang puntahan. Libre. Tapos gusto niyo maglamiyerda. E, ‘Day, trabaho muna.

“Puwede naman din yung ganu’n, pero kaya kayo nakilala, dahil kay Heart, tandaan niyo iyan. Hindi kayo makikilala kung hindi si Heart yung inayusan niyo, pinaganda niyo.

“At sa totoo lang, hindi niyo naman kailangan pagandahin si bakla,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Resbak pa ng friend ni Heart sa mga taong pinag-uusapan nila, “Ang kakapal ng mga mukha niyo, na kinukuwentuhan kayo ni Heart ng mga nararamdaman niya kasi, akala niya, mga totoo kayong kaibigan.

“Pero ginawa niyong alas yun. Hindi kayo totoong kaibigan. Ang kaibigan, kahit alam mo yung baho, pero kapag nagkaaway kayo, hindi mo ilalabas yun kasi magkaibigan kayo. Dati kayong may pinagsamahan.”

Baka Bet Mo: Darren Espanto naiyak nang ibahagi ang pangako sa magulang; Seth Fedelin umaming takot pa rin sa parents

Reaksyon naman ni Heart, “You know, alam nila takot ako. Pero hindi nila akalain kasi na okay lang sa asawa ko na hindi ako perfect, yung ganu’n. Like, akala akala nila…”

Biglang sumingit si Arnold, “Akala nila, forever ka nila mahahawakan.”

Hindi malinaw kung anong “baho” ang tinutukoy nila pero mukhang may konek ito sa naging isyu nina Heart at Chiz bilang mag-asawa na balitang naghiwalay noon.

Patuloy ni Heart, “I think they try to cover it up with those things, as I come to realize. Because, at the end of the day, the friendship doesn’t matter, because at the back of their minds they had bigger things that they wanted to do.”

Samantala, biglang sumingit sa usapan si Chiz, “Well, sometimes, lessons need to be experienced personally and not simply listened to and heard.

“So, at the end of the day, I think Heart is coming out of this experience a better person, more learned, more experienced, more guarded with respect to who she opens up to and with respect to who she lets in.

“But trusting, having friends, I think she should not change her character insofar as those two are concerned.

“Because, she is trusting. She is friendly. She tries to be more than a friend to the people around her. I don’t think she should change that,” ang mariing pahayag ng senador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ng mga nag-resign na dating glam team ni Heart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending