Heart sa pagre-resign ng kanyang glam team: 'Life is like that, marami tayong pagdadaanan with our careers, with our personal life' | Bandera

Heart sa pagre-resign ng kanyang glam team: ‘Life is like that, marami tayong pagdadaanan with our careers, with our personal life’

Ervin Santiago |August 15,2023
facebook
share this

Heart sa pagre-resign ng kanyang glam team: ‘Life is like that, marami tayong pagdadaanan with our careers, with our personal life’

Ervin Santiago - August 15, 2023 - 09:22 AM

Heart sa pagre-resign ng kanyang glam team: 'Life is like that, marami tayong pagdadaanan with our careers, with our personal life'

Heart Evangelista

AYAW nang palakihin pa ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang kontrobersyal na isyu sa pagitan niya at ng dating glam team.

Naging hot topic ng mga Marites sa social media ang pagre-resign ng kanyang makeup artist na si Justin Louise Soriano at ng dati niyang hair stylist na si Jeck Aguilar.

Pinagpiyestahan ng mga netizens ang nasabing chika hanggang sa lumabas nga ang balitang may kinalaman daw sa pera ang falling-out ng Kapuso star at ng dalawang miyembro ng dati niyang glam team.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa unang pagkakataon ay nagbigay ng pahayag si Heart sa panayam ni Lhar Santiago sa “24 Oras” kagabi, August 14. Sey ng wifey ni Sen. Chiz Escudero, ayaw na sana niyang pag-usapan ang mga nangyari.

Hindi man sinabi ng aktres kung ano ang tunay na dahilan ng pagre-resign nina Justin at Jeck bilang bahagi ng kanyang glam team ngunit mukhang malalim nga ang pinag-ugatan nito.

Ayon kay Heart, “Life is like that. Madami tayong pagdadaanan with our careers, with our personal life.

“But everything’s for a reason, and everything is for us to be stronger so we can face anything else in life. So, I am very happy,” dagdag pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista nilayasan daw ng glam team dahil sa ‘attitude’, true kaya?

Aniya pa, isa sa mga kinakapitan niya ngayon kapag may mga nangyayaring hindi maganda sa kanya ay ang kanyang asawang si Sen. Chiz.

“My husband will always tell me, with the glory comes the punches. You can’t have a perfect life. And nobody’s perfect.

“So everything’s made for a reason to make us better people and stronger,” pahayag ng Pinay fashion icon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Kung matatandaan, unang napansin ng netizens na wala na kay Heart sina Justin at Jeck nang makita nilang si Rhian na ang inaayusan ng mga ito para sa GMA Gala 2023 na ginanap noong July 22 sa Manila Mariott Hotel.

Kasunod nito, kumalat na ang chikang inubos umano nina Justin at Jeck ang laman ng credit card ni Heart nang walang paalam. Ngunit agad naman itong dinenay ni Justin.

Aniya, si Heart daw mismo ang nag-max out ng kanyang credit card kaya walang katotohanan ang mga naglabasang chika na “ninakawan” nila si Heart.

Sey ni Justin sa isang social media post, “Nakakalungkot lang din na may mga ganito pang lumabas tapos ung mga fans pa mismo ang nagkalat.

“Gumising ka isang araw. Ganun na ang bubungad sayo. Di ka ba mag aalala? Di ba tatawag magulang mo? Mga kaibigan mo na nakakakilala sayo?

“Hindi biro tong issue na to sa amin lalo nat naging transparent kami ng sobra kay heart. kahit piso nga binabalik at sinasama sa audit,” paliwanag niya.

Sey ni Lolit Solis kina Heart at Rhian: Napakaganda na nila para gumamit pa ng glam team

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Glam team naloka nang makitang lasing na lasing si sikat na aktres: Aayusan siya dahil may event tapos uminom nang bongga!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending