Heart Evangelista 'pinaglaruan' ang mamahaling gold serpent necklace, netizens nawindang | Bandera

Heart Evangelista ‘pinaglaruan’ ang mamahaling gold serpent necklace, netizens nawindang

Therese Arceo |August 08,2023
facebook
share this

Heart Evangelista ‘pinaglaruan’ ang mamahaling gold serpent necklace, netizens nawindang

Therese Arceo - August 08, 2023 - 07:05 PM

Heart Evangelista 'pinaglaruan' ang mamahaling gold serpent necklace, netizens nawindang
NALOKA ang madlang pipol nang “paglaruan” ng actress-socialite na si Heart Evangelista ang kanyang Bvlgari Serpenti necklace.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang naghahanda siya para sa kanyang pupuntahang event.

Makikita sa video na ikinaskas ni Heart sa ang mamahaling kwintas na parang ahas na gumagapang sabay palo rito na tila pinapatay ito sabay kuha.

Pero ang ending ay ibang necklace ang ginamit nito na gawa sa pearls na mas bumagay sa kanyang outfit.

Marami naman sa mga netizens ang tila “nasaktan” at nawindang sa ginawa ni Heart dahil hindi naman biro ang halaga ng nasabing kwintas.

Ang naturang kwintas na isinuot rin niya noong nagdaang GMA Gala 2023 ay nagkakahalaga ng P7.6 million.

Baka Bet Mo: Heart ‘kinuyog’ sa socmed matapos lumafang ng tusok-tusok: ‘Parang naging P350 kada piraso ‘yung fishball!’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Yung laruan lang ni ate Heart yung Bvlgari necklace,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Bakit nung pinalo ung golden ahas parang ako ung nasaktan.”

“we love you missy love [Heart] ganyan dpat ang pag hampas sa ahas, wahaha,” sey naman ng isa.

Hirit pa ng isa, “NILARO YUNG BULGARI SERPENTI.”

Lately ay naging laman ng mga balita si Heart matapos sumabog ang chika ng pag-alis ng kanyang dating glam team na sina Justin Soriano at Jecka Aguilar sa kanyang poder.

Iba’t ibang rason ang naglabasan sa social media gaya na lamang ng diumano’y paggamit raw ng mg ito ng credit card ng aktres na lingid sa kaalaman nito hanggang sa na-max out ngunit pinabulaanan naman na ito ni Justin.

May mga chika rin na hindi na raw kinaya ng dalawa ang ugali ni Heart at kahit matagal na silang magkakasama ay nagdesisyo na ang mga ito na umalis.

Wala namang naging pahayag ang aktres ukol rito pero palaisipan pa rin sa mga netizens kung ano nga ba ang dahilan ng pagkakawalay ng dalawa lalo na’t may mga post ang aktres na pakiramdam ng netizens ay “clue” na may kinalaman sa totoong nangyari sa kanila.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Heart Evangelista super thankful kay Chiz Escudero: You are indeed the best!

Heart Evangelista binalikan ang journey sa showbiz: They hated me kasi ang arte-arte ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending