Heart Evangelista binalikan ang journey sa showbiz: They hated me kasi ang arte-arte ko!
IKINUWENTO ng actress, model, vlogger, at businesswoman na si Heart Evangelista ang kanyang naging journey noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Bata pa lang ay isa na sa mga pangarap niya ang maging artista pero hindi raw ito gusto ng kanyang pamilya kaya tanging ang kanyang mommy na si Cecilia Ongpauco lamang ang nakakaalam ng kanyang mga audition.
Pagbabahagi ni Heart, una siyang na-discover sa ABS-CBN kung saan siya nag-audition at ni-launch bilang artista.
Si Johnny Manahan o kilala bilang si Mr. M na co-founder ng Star Magic na talent management under ABS-CBN ang unang nakakita ng kanyang potensyal.
Aniya, pinalapit daw siya ni Mr. M at tinanong kung marunong siyang kumanta.
Bagamat hindi raw siya marunong, napakanta pa rin siya ng “Eternal Flames”.
Maraming pinagdaanan workshops si Heart bago siya mapasama sa launching ng Star Circle Batch 9 noong June 2001 kung saan nakasabayan niya sina Angel Locsin, Janus del Prado, Alwyn Uytingco, at Rafael Rosell.
Inamin rin ni Heart na nahirapan siya sa pag-aartista dahil nga lumaki siya sa ibang bansa at baluktod pa siyang magsalita ng tagalog kaya naman nang mag-audition siya para sa kauna-unahang show niya na “G-mik” ay ramdam niya ang disgusto ng mga tao sa kanya.
“I did an audition for G-mik and I really, really wanted to be part of G-mik because I watch G-mik, and then I was such a huge fan of everyone.
View this post on Instagram
“And crush na crush ko si John Prats nung mga times na iyon. So, I auditioned and I remember the first [time] I auditioned, they hated me kasi arte-arte ko,” saad ni Heart.
Chika niya, hindi rin siya marunong mag-po at opo kaya ramdam niya na hindi talaga siya gusto ng mga tao.
“So, umpisa pa lang, parang ‘Ay, parang hindi ko siya bet,’ parang ganun. But I was just being myself. I wasn’t bratty, I was very eager and willing. And then I got the part,” sey ni Heart.
Eventually, naging magkasintahan rin sila ni John pero later on ay nagkahiwalay rin.
Dagdag pa niya, nahirapan siya mag-adjust sa buhay showbiz at nakaranas rin siya noon ng diskriminasyon.
“I was chinita at that time. Parang hindi kasi masyadong accepted kasi pag umiyak ka… I remember somebody telling me, ‘Ang liit-liit ng mata mo, hindi ka puwedeng maging artista kasi hindi ka expressive sa mata.’ I was always, always so heartbroken every time they said na parang arte-arte, kikay, parang character actress lang ako,” kwento ni Heart pero nagpatuloy pa rin siya dahil na rin sa suporta ng kanyang ama.
Dagdag pa niya, marami man daw ang naging bawal sa pagiging artista ay malaking tulong ito sa kanya.
“In showbiz, you only see the good part-dancing on TV, acting, wearing fancy clothes-but I was really going through a lot at that time. Maraming bawal. Bawal kang ganito. Bawal kang makitang nang ganyan.”
Ikinuwento rin ni Heart na isa sa mga nagustuhan niyang trabaho ay ang pagiging VJ sa MYX dahil malaya siyang ipakita ang totoong siya.
Pero hindi ito nagtagal dahil nag-transition na ang career niya sa pagbida sa mga teleserye.
“I was transitioning to telenovelas. I remember that they had to pull me out of MYX because they had to clip that part of me.”
Sey ni Heart, hindi raw kasi acceptable na kilay at bubbly kapag gumagawa at kailangan serious actress ka kapag gumagawa ng teleserye.
Matagal niyang kinikimkim kung ano talaga ang nais niyang gawin dahil nga kailangan niyang magtrabaho at mag-focus sa teleserye kaya naman taong 2014 nang nagkaroon ng turning point sa buhay niya kung saan na-realize niya na kailangan niya ring gawin ang mga bagay na magpapasaya sa kanya habang nagtatrabaho.
Dito na niya simulang gawin paunti-unti ang mga nais niya gaya ng pagpipinta at pagba-vlog.
Payo ni Heart, “Everything you do in life, you have to work for it. You have to really work hard and to have to be real. Ito ba talaga ang gusto ko?
“You have to do something that you love also on the side, because yun yung nagiging fruitful. Yun yung magbu-bloom.”Related Chika:
Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya
Heart ‘tiis-ganda’ sa Paris Fashion Week 2022: Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya!
Heart inirampa ang swimsuit na nagkakahalaga ng P40K; nagpapatayo na ng beauty company
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.