Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya | Bandera

Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya

Ervin Santiago |January 18,2022
facebook
share this

Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya

Ervin Santiago - January 18, 2022 - 07:46 AM

Chiz Escudero at Heart Evangelista

“PERFECT” para sa Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang pagkakaroon ng partner in life na mas may edad sa kanya.

Sa latest vlog ng “I Left My Heart In Sorsogon” sa YouTube muli silang humarap ng asawa niyang si Chiz Escudero sa mga netizens para pag-usapan ang ilang mahahalagang detalye sa kanilang married life.

Una na naming naisulat ang naging paliwanag nila tungkol sa pinirmahan nilang pre-nuptial agreement at kung gaano ito kahalaga sa isang couple na magpapakasal.

Kuwento ni Heart, “I read the book Memoirs of Geisha when I was young, and I don’t know if that messed me up in a way. 

“But I was always looking for someone older than me, who can save me from my troubles. 

“And I just felt so good talking to someone so dignified and with gravitas. Beautifully married tayo for six years,” pahayag pa ng Kapuso star sabay tingin kay Chiz.

Para naman sa kanyang husband, ang agwat ng kanilang edad ni Heart ay maraming advantage sa kanilang relasyon bilang mag-asawa lalo na ang pagiging open-minded sa mga bagay-bagay. 

Ani Chiz kay Heart, “In our case, you got to learn from my world and I got to learn about yours. There are a lot of pros naman.”

Ang pangamba lang daw niya ngayon ay kapag nagkaroon na sila ng baby ni Heart, “By the time kasi na mga 18 years old na ‘yung anak natin, baka 71 na ako.”

Samantala, dumepensa naman si Chiz sa mga nagkokomento na masyadong seryoso ang look at image niya sa publiko kaya marami ang nagsasabing mayabang at suplado siya. Aniya, totoong may mga ganoong moment siya lalo na kapag may problema at pinagdaraanan.

“May mga panahon talaga na may mga pasanin ka at binubuhat, may mga araw na talagang ayaw na kitang idamay, so ako na lang. 

“Pero hindi ko kayang ngumiti at maging masaya sa lahat ng ‘yon. Unless i-share ko sa ‘yo, kaso ‘yung ngiti mo naman biglang babagsak sa kalungkutan,” esplika ni Chiz.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


At tungkol naman sa pagkontra noon sa kanya ng parents ng asawa, sinabi ni Chiz na ang unang naging concern niya ay ang relasyon ng aktres sa kanyang mga magulang.

“They’re your parents, kung ayaw man nila ako noong mga panahong ‘yun, hindi mo dapat ayawan sila. Ang kalaban ko hindi naman kailangan kalaban mo lalo na kung magulang mo.

“Because your life will be full of regret if something should happen to them. You mended your relationship with them ahead of time, and naalala mo nung niyaya mo ako, sabi ko, ‘Sigurado ka ba?’ I only had one condition, as if nothing happened,” pahayag ng politiko.

Sey naman ni Heart, “Wala nang sorry sorry.”

“Wala nang ganoon, lipas na rin ‘yun,” hirit ni Chiz.

Sa isang bahagi ng vlog, nagbigay din si Chiz ng payo kung paano i-handle ang mga toxic na tao sa pamilya.

“Get away from it all and do something about it. Get away from the shackles and chains. Learn how to handle your own money.

“At the end of the day, your parents and siblings will always be your parents and siblings. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Find a way to get away from it, not to run away but to get away from that situation, without necessarily fighting or arguing. You have to stand your ground,” ang paalala pa ng hubby ni Heart.

Basher ni Heart tatakbong nakahubad sa buong barangay kung…

B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending