Heart inirampa ang swimsuit na nagkakahalaga ng P40K; nagpapatayo na ng beauty company | Bandera

Heart inirampa ang swimsuit na nagkakahalaga ng P40K; nagpapatayo na ng beauty company

Ervin Santiago |June 20,2021
facebook
share this

Heart inirampa ang swimsuit na nagkakahalaga ng P40K; nagpapatayo na ng beauty company

Ervin Santiago - June 20, 2021 - 11:22 AM

KINAKARIR na ngayon ng Kapamilya actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang pagpapatayo ng sariling beauty company.

Ibinalita kamakailan ng misis ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang good news sa kanyang fans at social media followers sa pamamagitan ng Instagram.

Sa latest question and answer session niya sa IG Stories, sinagot ni Heart ang ilang katanungan ng kanyang followers kabilang na nga ang tungkol sa kanyang pagiging fashion icon pati na sa personal niyang buhay. 

Ayon sa ilan niyang supporters, bilib sila sa sipag at dedikasyon ng aktres hindi lamang sa kanyang mga trabaho, kundi maging sa pagtulong niya sa mga mahihirap.

Isang netizen nga ang nagtanong sa kanya ng, “Do you also get tamad? Tamad to do anything and gusto lang humilata all day in bed?”

Sagot ni Heart sa kanya, “Oh yesss but I just have so much on my plate that I can’t afford to sit pretty. I am also developing a beauty company that has been taking much of my time. Also, the usual shoots.”

Aniya pa, “I work everyday except Saturdays (not a strict rule, sometimes we break if I have requirements) you cannot begin to imagine how busy I am. So my mind is always active – that’s why I’m up at 5:30 am.”

Hiningan din siya ng payo ng kanyang IG followers kung paano maging successful sa pagkakaroon ng sariling business.

Tugon ng aktres, “You must do something you love and know by heart! (This is for your own business) mind you – you need to work on other things on the side as well. Work, work, work then do something you are most passionate about!”

Sinisiguro rin daw niya na palagi siyang motivated sa lahat ng ginagawa niya, “I’ve mastered that. I let everything in life bad or good motivate me! I am so determined to achieve my goals in life and I know I can do it as long as I have a ‘childlike faith.'”

Aniya pa, walang imposible sa buhay at makakamit mo rin ang inaasam na tagumpay, “For as long as you pray hard, work hard, play hard, be kind, and focus!” 

Samantala, pinainit din kamakailan ni Heart ang social media nang mag-upload na naman siya sa IG ng kanyang photo suot ang isang branded one piece bikini.

Sabi niya sa caption, kahit daw tag-ulan na sa Pilipinas, “Well, it’s still summer somewhere!”
Bumuhos naman ang mga positibong comments mula sa kanyang fans at celebrity friends with matching sandamakmak na heart at fire emojis pa.

Ilang netizens naman ang nagsabi na ang Louis Vuitton bikini na inirampa ng aktres ay nagkakahalaga raw ng $800 o  humigit-kumulang sa P40,000. Kaya nga napa-hashtag #SanaAll na naman ang mga IG followers ng Kapuso star.

Samantala, abangers na rin ngayon ang supporters ng aktres sa pagbabalik ni Heart sa primetime TV sa pamamagitan ng bago niyang project, ang fashion-romcom serye na “I Left My Heart in Sorsogon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama niya rito sina Richard Yap at Paolo Contis kung saan ang ilang mahahalagang eksena ng programa ay kukunan pa sa magagandang lugar sa Sorsogon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending