Heart pinag-iipunan mga bonggang regalo sa staff: They deserve the best!
TALAGA palang pinag-iipunan ni Heart Evangelista ang mga pangregalo at pang-raffle niya sa kanyang team tuwing holiday season.
Napa-sana all ang mga netizens nang sorpresahin ng Kapuso actress at international fashion icon ng tigi-tigisang Hermes bag ang makeup artist niyang si Memay Francisco, stylist na si Iza Sim, at Sparkle assistant manager na si Ira Lesaca.
Siyempre, shookt at todo ang pasasalamat ng staff at team ni Heart nang matanggap ang mga mamahaling regalo nila last Christmas.
Sa limited reality series na “Heart World” sa GMA 7, kahit siya ay super na-excite sa mga regalong inihanda niya para sa mga taong kasa-kasama niya sa kanyang buhay at career.
Baka Bet Mo: Vice Ganda namigay ng P300,000 sa ‘Showtime’ staff: Sobrang mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to
Kaya naman bago pa man sumapit ang Pasko ay ipinamahagi na niya ang luxury bags sa kanyang staff at empleyado.
“Dapat sa Christmas, hindi ko na talaga matiis e. Saka ‘di ko na mapigilan kasi ang tagal kong sinource out. ‘Di ako basta-basta bumibili, kailangan according to their personality na sulit na mapunta sa kanila.
View this post on Instagram
“And thankful ako na lahat ng naging friends ko sa industriya na mga sellers, they gave me a good discount kasi sabi ko, ‘guys, this isn’t for me,'” sey pa ng Kapuso star.
Pagpapatuloy pa niya, “I honestly want kung anong meron ako, gusto ko lahat kami meron, ‘di ba? Ayoko naman ‘yung [ako lang]. Lahat naman tayo nagwo-work hard. Kung keri, e ‘di go.”
Samantala, nagpa-raffle din si Heart ng mga bonggang prizes sa kanyang annual Christmas party para sa mga friends niya sa entertainment industry na naging malaking bahagi sa tagumpay ng kanyang career.
“I always set aside a certain amount na each year, ‘yun ‘yung ina-allot natin para sa pa-raffle and it’s always so hard. Sa totoo lang, ‘yang raffle na ‘yan, lagi akong nagdarasal.
“Minsan sa sobrang stressed ko, ayoko nang bumunot. Ang importante, everybody goes home happy na meron kahit paano,” aniya pa.
Ang turing na ni Heart sa kanyang mga katrabaho at staff ay parang kapamilya na rin, “They deserve the best. They really picked me up during my toughest times.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.