Heart Evangelista feeling baby girl, ipinag-shopping ng ama | Bandera

Heart Evangelista feeling baby girl, ipinag-shopping ng ama

Therese Arceo |January 03,2023
facebook
share this

Heart Evangelista feeling baby girl, ipinag-shopping ng ama

Therese Arceo - January 03, 2023 - 08:16 PM

Heart Evangelista feeling baby girl, ipinag-shopping ng ama

SUPER happy ang actress-model na si Heart Evangelista sa kanyang pakikipag-bonding sa amang si Rey Ongpauco.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinandera ng aktres ang video kung saan makikitang nasa loob sila ng Versace store.

Super baby girl at spoiled na spoiled nga si Heart sa kanyang daddy na ibinili siya ng napakaraming luxury items gaya ng damit at sapatos.

Ilang video pa ang ibinahagi nito sa kanyang Instagram stories habang ini-spoil siya ng ama ng mga mamahaling sapatos.

“Thank you dad,” maririnig na saad ni Heart sa kanyang ama.

Halata naman ang saya sa boses ng aktres na talagang super kinikilig sa regalo sa kanya ng ama.

Kahit kasi kumikita na si Heart ay iba pa rin talaga ang kilig kapag inilalabas ka ng iyong magulang para ipag-shopping.

Matatandaang noong 2021 ay inamin ng aktres na ang kanyang ama ang pinaka-shopaholic sa kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Ayon pa sa kanya, ang motto raw ng ama ay “Life’s too short to be in ugly clothes!”

Anyway, mukhang maganda nga ang pasok ng 2023 kay Heart lalo na at tila natuldukan na ang hindi mamatay-matay na intriga noon sa kanya patungkol sa kanilang buhay mag-asawa ni Senator Chiz Escudero.

Ilan nga sa talagang pinag-usapang personalidad ay ang mag-asawa dahil sa diumano’y on the rocks ang kanilang relasyon at marami nga ang nagtatanong kung tuluyan na nga ba silang naghiwalay.

Ngunit bago matapos ang taon ay tinuldukan na ni Heart ang usap-usapan patungkol sa kanila nang mag-post siya sa Instagram kasama ang asawa at mga anak nito.

Related Chika:
Heart Evangelista binalikan ang journey sa showbiz: They hated me kasi ang arte-arte ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#Pasabog2023: Heart Evangelista, Chiz Escudero magkasamang sasalubungin ang Bagong Taon

Nanay ni Heart saludo sa pagiging mabuting asawa ni Chiz: Happy wife, happy life!

Tatay ni Heart labs na labs na si Chiz: Sayang, naging bati na sana kami noon pa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending