Nanay ni Heart saludo sa pagiging mabuting asawa ni Chiz: Happy wife, happy life! | Bandera

Nanay ni Heart saludo sa pagiging mabuting asawa ni Chiz: Happy wife, happy life!

Ervin Santiago |June 22,2021
facebook
share this

Nanay ni Heart saludo sa pagiging mabuting asawa ni Chiz: Happy wife, happy life!

Ervin Santiago - June 22, 2021 - 05:26 PM

PINATUNAYAN ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na super okay na ang relasyon ng inang si Cecile Ongpauco sa kanyang mister na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Ito’y matapos ang ilang taon ding pagtutol ng mga magulang ni Heart sa pakikipagrelasyon at pagpapakasal niya sa politiko. 

Sa latest vlog ng Kapuso star sa kanyang YouTube channel, nakasama niya ang inang si Cecille pati na rin si Chiz at kapatid na si Camille.

Dito, inalala ng mag-ina ang naging tampuhan at samaan nila ng loob nang dahil kay Chiz, kabilang na ang pagpapa-interview noon ni Cecile sa media taong 2013. 

Talagang plano na raw nilang sampahan ng kung anu-anong reklamo ang politiko noon ngunit hindi na nila ginawa dahil sa pagmamahal na rin nila sa anak.

Sabi ng nanay ni Heart, feeling nila ay talagang inilayo ni Chiz sa kanila ang aktres at minamanipula lang nito ang pagdepensa sa kanya ni Heart kapag nagpapa-interview sa media.

Hirit ni Heart sa unang paglabas ng ina sa kanyang vlog, “The last time that people saw you on YouTube it was pretty awkward because it was your horrible interview.”

Sagot sa kanya ni Cecile, “That was a nightmare.” Na sinang-ayunan naman ng aktres at fashion icon, “That was a nightmare for everyone. But now you’re back and you’ll be cooking with Camille (kapatid niya).”

Habang nagluluto si Camille ng pasta ay tinanong ni Heart si Cecile kung may maipapayo ba siya sa married life nila ni Chiz. Pero sey nito, hindi na nila kailangan ng payo.

“You’re fine. You’re happy,” chika ni Cecile. Kasunod nito, biglang hinila  ni Heart si Chiz patungong kitchen at pinagtabi sila ng ina.

“Hug nga kayo! Hug nga!” natatawang panunukso ni Heart sa kanyang ina at asawa.

Humirit naman ng tanong si Chiz kay Heart, ano raw ba ang magandang marriage advice na siya rin ang sumagot habang tumatawa, “Sundin palagi yung asawa!” 

Samantala, nagpakatotoo naman si Cecile sa pagsasabing hanga siya sa pagsasama nina Chiz at Heart bilang mag-asawa.

“You know what I like about your marriage? You allow each other to grow. You don’t stunt her growth,” ani Cecile na sinagot naman ni Chiz ng, “More me allowing her to grow.”

Reaksyon ni Heart, “Ha-hahaha! Wala na siyang stunt ng growth. Iyan na ang growth niya, e.”

Baling na mensahe ni Cecile kay Chiz, “Yun nga. Ikaw full grown ka na, kumbaga. But you don’t cramp her style. I think that’s what good about her marriage. He allows her to grow on her own.”

Muling humirit si Chiz at sinabing naniniwala siya sa kasabihang, “Happy wife, happy life.”

Kung matatandaan, hindi um-attend ang parents ni Heart sa kasal nila ni Chiz noong Feb. 15, 2015 na ginanap sa Balesin Island Club sa Quezon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpadala naman ang tatay ni Heart na si Rey Ongpauco ng letter  sa anak para batiin ito sa kanyang kasal. Taong 2015 nang mapabalitang nagkaayos na ang mga magulang ni Heart at si Chiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending