Tatay ni Heart labs na labs na si Chiz: Sayang, naging bati na sana kami noon pa…
NANGHIHINAYANG ang tatay ni Heart Evangelista na si Reynaldo Ongpauco na hindi niya agad nakasundo si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.
Yan ang inamin ng ama ng Kapuso actress nang makasama niya ito sa kanyang latest vlog kung saan napag-usapan nila ang ilang detalye tungkol sa kanilang personal na buhay.
Isa nga sa nga tinanong ni Heart kay Mr. Ongpauco ay kung bakit hindi ito um-attend sa kasal nila ni Chiz noong Feb. 15, 2015 na ginanap sa Balesin.
Ito yung panahong hindi okay ang relasyon ng Pinay fashion icon sa kanyang mga magulang dahil nga hindi boto ang mga ito sa pagpapakasal nila ni Chiz.
At dahil nga rito, talagang tiniis ng parents ni Heart na hindi pumunta sa kasal ng kanilang anak.
Ngunit paglilinaw nga ng tatay ng Kapuso actress sa, “Hindi ko naman siya (Gov. Chiz) naging kaaway.”
Pahayag ni Mr. Ongpauco, nanghihinayang siya na medyo late na silang nagkaayos ng governor ng Sorsogon, “Sayang, naging bati na sana kami noon pa.”
Ipinakita rin ng aktres sa kanyang vlog ang magandang samahan ngayon ng kanyang tatay at asawa. Aniya, talagang naniniwala siya sa kasabihang hindi dapat pinipilit ang isang bagay at ibibigay sa yo ang hinihiling mo sa tamang panahon.
Sabi pa ni Heart, “If you do everything right, and you pray a lot, time heals everything.”
* * *
Pahinga muna ang pasiklaban at world-class performances sa reality-talent show ng Kapuso Network na “Catch Me Out Philippines” simula ngayong Sabado (May 1).
Ayon sa post ng “Catch Me Out Philippines”, wala naman dapat ikalungkot ang viewers dahil nakatakda ring magbalik-telebisyon ang naturang programa na may hatid pang mas matitinding performances.
Samantala, simula May 1 ay mapapanood na sa timeslot ng “Catch Me Out Philippines” ang upcoming fantasy drama series na “Agimat ng Agila” na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla bilang si Major Gabriel Labrador ng Task Force Kalikasan.
Tunghayan ang exciting adventures ni Major Gabriel sa world premiere ng “Agimat ng Agila,” simula May 1, pagkatapos ng “Pepito Manaloto,” sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.