Glam team naloka nang makitang lasing na lasing si sikat na aktres: Aayusan siya dahil may event tapos uminom nang bongga!? | Bandera

Glam team naloka nang makitang lasing na lasing si sikat na aktres: Aayusan siya dahil may event tapos uminom nang bongga!?

Reggee Bonoan |June 20,2022
facebook
share this

Glam team naloka nang makitang lasing na lasing si sikat na aktres: Aayusan siya dahil may event tapos uminom nang bongga!?

Reggee Bonoan - June 20, 2022 - 07:35 AM

Mahulaan n’yo kaya kung sino siya? Guess, guess who!

LUKANG-LUKA ang glam team ng kilalang aktres nang minsang serbisyuhan nila ito para sa isang event.

May schedule kasi sila para ayusan ang aktres kaya pumunta sila sa bahay nito para bihisan, make-apan at iba pa.

Pero nagulat ang grupo dahil wala sa bahay nito ang sikat na aktres at ang paalam sa mga kasambahay ay may pupuntahan lang.

Tatlong oras ang lumipas nang dumating ang sikat na aktres at susuray-suray — nakipag-inuman pala. Nagkatinginan ang glam team dahil paano nga nama nila aayusan ang lasing na aktres at may event sila ng 9 p.m.?

“Nakakaloka lola mo, alam na may commitment siya ng 9 p.m., nakipag-inuman? So hapon o tanghali nakipag-inuman? Hindi ba puwedeng after the event na lang para kahit abutin siya ng madaling araw?” sabi ng aming source.

In fairness, professional naman si sikat na aktres dahil kahit susuray-suray siya ay naayusan siya ng maganda at pagpunta sa event ay hindi halatang nakainom.

Mega kaway, mega ngiti habang pumupungay ang mga mata na hindi rin halata kasi maganda naman talaga ang mga mata niya.

Napaisip tuloy ang glam team kung gawain ba talaga ito ng sikat na aktres dahil parang sanay na sanay siya sa ganitong senaryo.

Tinanong namin ang aming source kung unang beses pa lang naka-work ng glam team ang sikat na aktres.

“Hindi nabanggit, pero baka, kasi bakit sila magtatanong kung sanay na sa ganitong senaryo si ____ (sikat na aktres),” sagot sa amin.

Habang nagkukuwento ang aming source ay nai-imagine namin ang sikat na aktres na may maamong mukha at hindi mo maiisip na tomadora pala.

Anyway, sana lang ay mag-ingat na sa susunod ang sikat na aktres sa mga ikinikilos niya dahil hindi ito magandang ehemplo sa mga humahanga sa kanya lalo na ang mga kabataan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Glam team ni Miss Canada basag kay Michael Cinco: Stop scamming Filipino designers…how dare you

AJ Raval viral na naman, hirit ng netizens: Parang lasing na nag-videoke sa concert sa Cebu

Kilalang aktor tsugi na sa isang TV series dahil masyadong ‘pa-diva’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending