Sey ni Lolit Solis kina Heart at Rhian: Napakaganda na nila para...

Sey ni Lolit Solis kina Heart at Rhian: Napakaganda na nila para gumamit pa ng glam team

Pauline del Rosario |July 30,2023
facebook
share this

Sey ni Lolit Solis kina Heart at Rhian: Napakaganda na nila para gumamit pa ng glam team

Pauline del Rosario - July 30, 2023 - 02:47 PM

Sey ni Lolit Solis kina Heart at Rhian: Napakaganda na nila para gumamit pa ng glam team

Lolit Solis, Heart Evangelista, Rhian Ramos

PARA sa talent manager at kolumnista na si Lolit Solis, hindi na kailangang magkaroon ng glam team ang fashion icon na si Heart Evangelista at Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Ang kanyang opinyon ay matapos kumalat ang chikang ginamit ng dating glam team ni Heart ang credit card nito na siya namang itinanggi agad ng dating makeup artist ng socialite na si Justin Louise Soriano.

Ibinunyag pa nga ni Manay Lolit na ang naturang glam team ay siya nang nag-aayos kay Rhian.

“Umiral na naman ang pagiging forgetful sa ilang tao, Salve. Gaya ng glam team ni Heart Evangelista na kasama niya lagi sa lahat ng lakad niya,” caption niya.

Patuloy niya, “Ngayon para pang nagmamalaki na sila ang team ni Rhian Ramos.”

Baka Bet Mo: Glam team ni Miss Canada basag kay Michael Cinco: Stop scamming Filipino designers…how dare you

“Sure ako na walang alam si Rhian sa nangyari between Heart at ang glam team nito. Pero tiyak na hindi ito magtatagal dahil makakarating din kay Rhian ang mga bagay na nangyari na kinasasangkutan ng glam team niya ngayon,” sey pa niya.

Kasunod niyan ay dito na nga sinabi ng kolumnista na tunay namang magaganda ang dalawang artista kaya hindi na nito kailangang ng may mag-aayos sa kanila.

“Naku ewan ko naman Salve at Gorgy kung bakit kailangan pa nila ng glam team na parang hindi na uso ngayon dahil nga sa madali naman para sa magagandang tulad nila Rhian Ramos at Heart Evangelista,” lahad ng talent manager.

“Napakaganda na nila para gumamit pa ng glam team noh! Ibigay na nila sa mga hindi kagandahan na mas kailangan ang glam team,” aniya pa.

Parangal pa ni Manay Solis, “Dapat talaga bigyan ng aral ang mga lumalaki ang ulo na akala mo dependent sa kanila ang mga star. Ipakita ni Heart na hindi niya type ang ginawa ng team niya at bigyan ito ng leksyon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Sa bandang huli ay pinuri niya si Heart dahil wala pa rin daw makakatalo sa pagiging bongga nito pagdating sa fashion at pagrampa.

Magugunitang kamakailan lang ay si Heart ang pinarangalan ng “Female Sparkle Star of the Night” sa nagdaang GMA Gala 2023.

“Mabuti na lang kahit na stressed si Heart siya pa rin ang wagi as star of the night, bongga talaga,” wika ni Manay Solis.

Ani pa niya, “Walang tatalo pag si Heart Evangelista ang rumampa. Kailangan tumabi ang lahat, dahil may panalo na, bongga [smiling face with hearts emoji].”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Glam team naloka nang makitang lasing na lasing si sikat na aktres: Aayusan siya dahil may event tapos uminom nang bongga!?

Rhian Ramos umaming ‘loner’, ibinuking kung bakit walang naging kaibigan noon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending