Dating glam team ni Heart Evangelista nagsalita na, dinenay na pera ang dahilan ng paglayas | Bandera

Dating glam team ni Heart Evangelista nagsalita na, dinenay na pera ang dahilan ng paglayas

Therese Arceo |July 27,2023
facebook
share this

Dating glam team ni Heart Evangelista nagsalita na, dinenay na pera ang dahilan ng paglayas

Therese Arceo - July 27, 2023 - 06:05 PM

Dating glam team ni Heart Evangelista nagsalita na, dinenay na pera ang dahilan ng paglayas
PINABULAANAN ng dating miyembro ng glam team ni Heart Evangelista ang kumakalat na chika ukol sa tunay na dahilan ng kanilang pag-alis sa poder ng Kapuso actress at socialite.

Sa comment section ng kanyang post sa TikTok ay isa isang sinagot ni Justin Louise Soriano, dating make-up artist ng aktres ang mga paratang ng netizens.

Nauna na kasing kumalat sa social media na kaya wala na ang dating glam team ni Heart ay dahil ginamit raw ng mga ito ang credit card nito.

Dahil raw kasi sa walang tigil na paggastos ng mga ito ay na-max out ang credit card ng aktres without her knowing.

Saad naman ni Justin, “Dear sya lang ang nagmamaxout ng credit card nya. Wala kami paki sa credit card nya.”

Dagdag pa niya, “Namisinterpret yo ung tiktok nya na asa sg na may 24 [months siyang] babayaran. Sya may gastos nun hello kita nyo naman sguro sa sinusuot nya everyday [‘di ba?]”

Sa isa pang reply ni Justin ay sinabi niyang hindi pera ang totoong rason ngunit pipiliin na lang niyang itikom ang bibig ukol rito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Heart Evangelista nilayasan daw ng glam team dahil sa ‘attitude’, true kaya?

“Hindi yan ang true reason ng falling out, that was created to pivot the story. But again. My mouth will remain shut. Wala kasing ginamit na credit card. I have my own business, i earn on my own,I have 2 credit cards with the limits i needed and i live within my means,” sey ng dating glam team ng asawa ni Sen. Chiz Escudero.

Matatandaang natalakay rin sa “Ogie Diaz Showbiz Update” ang pagkawala ng dating glam team at bukod sa pera ay isa ring hinihinalang dahilan ay ang “attitude” raw ng aktres na hindi nakayanan ng dalawa.

Samatala, hiling naman ni Justin na sana ay huwag nang halungkatin pa ang isyu lalo na’t naka-move on na ang lahat sa nangyari.

“uhmm sorry but i cant let this pass lang. specially pera ung pino-point out. The falling out has nothing to do with money matters.

“Pls lets stop making issues. We are over it already. Patahimikin na po natin ito,” pakiusap ni Justin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Heart naloka sa comment ni Chiz sa kanyang Instagram post: ‘Hayop ka! Hindi toh Viber, IG toh!’

#Kabogera: Heart umabot ng P28-M ang suot na OOTD at accessories sa GMA Gala 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending