#Kabogera: Heart umabot ng P28-M ang suot na OOTD at accessories sa GMA Gala 2023 | Bandera

#Kabogera: Heart umabot ng P28-M ang suot na OOTD at accessories sa GMA Gala 2023

Alex Brosas |July 25,2023
facebook
share this

#Kabogera: Heart umabot ng P28-M ang suot na OOTD at accessories sa GMA Gala 2023

Alex Brosas - July 25, 2023 - 07:33 AM

#Kabogera: Heart umabot ng P28-M ang suot na OOTD at accessories sa GMA Gala 2023

Heart Evangelista

KABOGERA talaga si Heart Evangelista sa katatapos na GMA Gala 2023.

Kinabog niya ang lahat sa kanyang outfit na mula sa Schiaparelli Haute Couture Spring Summer 2023 collection.

Ang nakakaloka, milyones pala ang suot niyang necklace at ring.

Sa isang report sa Instagram, sinabing nagkakahalaga ang @bulgari Serpenti Diamond and Ruby Yellow Gold Serpenti Necklace na suot ni Heart ng $410,000.

Bukod pa dito ang @bulgari Serpenti Ruby and Diamond Serpenti Ring na nagkakahalaga ang $110,000.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hindi rin naman siya nagpatalbog sa kanyang footware na isang @louboutinworld Highness Platform Heels  worth $1,200.

Sinasabing worth P28 million ang total na halaga ng suot ni Heart for the event.
So, talbog silang lahat sa kasosyalan ni Heart, ‘di ba?

Baka. Bet Mo: Kapuso stars kanya-kanyang paandar at pakilig sa GMA Gala Night 2023 proposal; Paul sinorpresa si Mikee, dyowa ni Klea nag-‘yes’ agad

Presyo na iyon ng isang high-end condo o kaya naman ay isang bonggang house and lot sa isang exclusive subdivision.
Iba ka talaga, Heart!

Nag-iisa ka. Hindi ka nila kayang talbugan. Hindi pa ipinapanganak ang tatalbog sa iyo. Ikaw na!

* * *

Marami ang kinilig sa Instagram post ng “Dirty Linen” star na si Jennica Garcia.
She posted kasi a photo where she was with Christian Bables” at ang caption niya ay ito: “Rank Up: Legend”.

Marami ang kinilig nang husto nang mag-react si Christian ng, “Lab na lab kita, tol ko. will treasure this milestone in our friendship. Love you 1 gazillion times.”

Sa comment section, kitang-kita ang pagmamahal ng netizens sa dalawa.  Gusto nila na magkatuluyan ang dalawa sa totoong buhay.

“Sana magiging kau someday love ko kaung dalawa.”

“Naol lab ni christiaaan06… Haha cute nyo.”

“Bagay kayo dalawa what’s wrong with secretary Kim.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)


“Sana magkaroon kayong dalawa ng project na kayo ang bida  grabe ang chemistry.”

“Awww ang tamis naman abot hanngang dito sa Florida.”

“Bagay na bagay si max at lala.”

“Sana magkaroon pa rin kayo pelikula teleserye ulit. iba ang chemistry n’yong dalawa umaapaw sa ka sweetan love you both always.”

“Yan ang inaantay ko mga idol yung post nyong dalawa. im happy to you both kahit friendship lng kyo.”

“Wuuuuuuuuuyyyy bakit kinikilig ako ayy.”

“Bagay ah.. paka blooming mo ngayon Jennica.”

Anyway, sa latest episode ng “Dirty Linen” ay nalaman na ni Chiara (Francine Diaz)  na hindi  niya tunay na ina si Leona (Janice de Belen). Na-discover din ni Ador (Epy Quizon) na wala sa pamamanahan ni Donya Cielo (Tessie Tomas) si Feliz (Angel Aquino).

‘It’s Showtime’ na-excite sa kanilang unang GMA Gala 2023, sey ni Vhong: Iba pala ang experience!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending