Glaiza de Castro naiyak sa presscon: Sorry guys, feeling ko lang may PMS ako

Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Rhian Ramos, Arci Muñoz at Matt Lozano
BIGLANG napaiyak ang Kapuso award-winning actress na si Glaiza de Castro habang nasa presscon ng latest movie niyang “Sinagtala.”
Hindi rin daw maipaliwanag ng aktres kung bakit naging emosyonal siya nu’ng mga oras na yun matapos tanungin kung ano ang naitulong ng musika sa kanyang buhay.
Tungkol kasi sa isang banda ang kuwento ng “Sinagtala” kung saan ang bawat miyembro ng grupo ay may kanya-kanyang hugot sa buhay.
Sagot ni Glaiza sa naturang question, “Bukod sa prayers, isa sa mga talagang masasabi kong nagsalba sa akin sa kalungkutan ay musika. Yun ang ano…”
Tumigil sandali ang aktres hanggang sa tuluyan nang mapaluha. Natatawa niyang sabi, “Bakit ako naiiyak? Sorry, guys, feeling ko lang may PMS (Premenstrual syndrome) ako, so medyo emotional ako.”
“Kapag pinag-uusapan yung music kasi very significant siya sa akin. Para sa akin, gift talaga yun ni Lord sa akin, sa pamilya ko. Kasi, ano kami, musically-driven na family.
“Every time na may struggle, talagang music yung nagpapasaya. Kaya itong pelikula na ito, noong nakita ko…akala ko nga ‘di ko na magagawa, e. Pero in-allow ni Lord na mapasama ako rito,” paliwanag ni Glaiza.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “Noong nagsu-shooting pa lang kami ng pelikula, nag-iiyakan na kami. Hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon sa pelikulang ito at bakit ako emosyonal. Ayun nga, siguro maraming elements ang movie na ito na talagang nakaka-relate ako.
“Kasi, yung music din talaga is outlet din sa akin. Kumbaga, sobrang grateful ako na sa industriyang ito, talagang nakakagawa ako ng kanta and nase-share ko rin sa followers ko.
“Pero hindi talaga ako yung tipo ng tao na bumibirit, e. Ang dami ko ring insecurities sa boses ko, sa kaya kong gawin.
“Pero dahil nga mahilig kami sa pamilyang kumanta, bata pa lang ako na-train na akong kumanta, parang feeling ko lang dumating ako sa age na niyakap ko rin yung boses ko,” esplika pa niya.
Hirit pa ng aktres, “Again, through this film, parang nagkaroon ako ng bagong purpose sa life as a band leader. Wow! Ha-hahaha!”
Proud din si Glaiza sa “Sinagtala” dahil nakatrabaho niya uli ang mga kapwa Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Rayver Cruz, at Matt Lozano, pati na rin ang StarStruck alumna na si Arci Muñoz na first time niyang naka-work.
Samantala, dream come true rin para kay Glaiza ang makatrabaho ang direktor nilang si Mike Sandejas, “Matagal ko nang gustong makatrabaho (si Direk Mike). Noong napanood ko yung Tulad ng Dati sa Cinemalaya, sabi ko, ‘Uy, astig ‘to, gumawa ng pelikula tungkol sa The Dawn, ‘tapos, musical, may original songs.
“Dito, isa sa mga ikina-proud ko rin, mga original song po yung kinanta namin at kami po talaga ang kumanta doon. It’s such a pleasure and a blessing to work with talented musicians who deserve na marinig yung message ng kanta nila,” sey ni Glaiza.
Sure rin daw ang aktres na makaka-relate ang may tropa o barkada sa “Sinagtala”, “Hindi lang doon sa pangarap pati rin sa purpose. Hindi naman natatapos ‘yung mga pangarap natin.
“Nu’ng mga bata tayo, gusto lang natin maging artista or astronaut o doktor. Nu’ng naging artista ka na, iba na ‘yung pangarap. Nu’ng nag-asawa ka, nag-iba ulit ‘yung pangarap mo.
“Pero ‘yung pangarap na ‘yun ay kaakibat ng purpose. Kung ang pangarap mo ay pangsarili lang, walang fulfillment,” paliwanag ni Glaiza.
Showing na sa lahat ng sinehan ang “Sinagtala” simula sa April 4, 2025, mula sa direksyon ni Mike Sandejas under Sinagtala Productions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.