Rhian Ramos ibinandera ang litrato kasama ang dating glam team ni Heart Evangelista...isyu yarn!? | Bandera

Rhian Ramos ibinandera ang litrato kasama ang dating glam team ni Heart Evangelista…isyu yarn!?

Therese Arceo |August 02,2023
facebook
share this

Rhian Ramos ibinandera ang litrato kasama ang dating glam team ni Heart Evangelista…isyu yarn!?

Therese Arceo - August 02, 2023 - 07:21 PM

Rhian Ramos ibinandera ang litrato kasama ang dating glam team ni Heart Evangelista...isyu yarn!?

IBINAHAGI ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang kanyang larawan kasama ang kanyang glam team na sina Justin Soriano at Jecka Aguilar.

Sa kanyang Instagram ay makikita ang larawan na kuha noong nagdaang GMA Gala 2023.

“When we say it takes a village…” saad ni Rhian sa kanyang caption.

Sina Justin at Jecka ay ang mga kontrobersyal na dating glam team ng Kapuso actress-socialite na si Heart Evangelista.

Matatandaang kamakailan ay naging laman ng mga balita ang tatlo matapos ang naging report ni Ogie Diaz ukol sa paglayas ng dalawa sa poder ng aktres dahil hindi na ito ang naispatang kasa-kasama ni Heart sa mga videos kung saan inaayusan siya.

Baka Bet Mo: Rhian Ramos umaming 2 years nang kasama sa bahay si Michelle Dee, ‘Wifey at Hon’ ang tawagan: ‘Oh my God! Parang mag-asawa na tayo!’

May mga chika na ginamit at na-max out raw ng mga ito ang credit card ng aktres na siyang pinabulaanan naman ni Justin. May mga chichi rin na hindi na raw nakayanan ng dalawa ang ugali ni Heart kaya tuluyan na silang umalis.

Samantala, umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang post ni Rhian.

“Yung 2 sila yung dating kasama sa glam team ni Heart,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Mga parites ang new glam team mo bakla name ng marites!! Ingat sa secrets ms Rhian. Ikaw din.”

“Naku sila na glam team mo?Sila daw nag fire kay heart!Ingat ka,baka i fire ka rin nila. Tsaka ingat sa mga secrets mo ha,” paalala naman ng isa.

Sey naman ng isa, “Please stop comparing and saying nasty words towards Ms. Heart & Ms. Rhian . They 2 are different. I like Ms. Heart though. Karma is just around. Whoever who, they cannot escape from God whatever bad they did will be seen. Sila magbabayad nun eventually. Only Ms. Heart and his former glam team knows what really happened. And sana, the truth will come out and walang masisira na gawa nang kalaban. Don’t be so quick to judge and mangdamay nang iba.”

Nauna nang dinenay ni Justin na pera ang isyu sa kanilang paghihiwalay ngunit sinabi nitong mananatiling tikom ang kanyang bibig ukol sa isyu at nakiusap sa netizens na itigil na ang pagkakalat ng chika lalo na’t naka-move on na sila ukol rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sey ni Lolit Solis kina Heart at Rhian: Napakaganda na nila para gumamit pa ng glam team

Dating glam team ni Heart Evangelista nagsalita na, dinenay na pera ang dahilan ng paglayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending