ENCHONG magpapayaman muna bago dyowain ang sosyalerang anak ni GRETA | Bandera

ENCHONG magpapayaman muna bago dyowain ang sosyalerang anak ni GRETA

Reggee Bonoan |October 01,2013
facebook
share this

ENCHONG magpapayaman muna bago dyowain ang sosyalerang anak ni GRETA

Reggee Bonoan - October 01, 2013 - 03:00 AM

MAGKAIBIGAN lang daw ngayon sina Enchong Dee at Dominique, ang anak nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco.
Sa nakaraang thanksgiving presscon ng Muling Buksan Ang Puso ay talagang sinundan namin si Enchong sa holding area ng 9501 restaurant sa ABS-CBN building pagkatapos ng question and answer para tanungin kung ang nag-iisang dalaga nina Greta at Tony Boy na ang nagpapasaya sa kanya.

“Ano, gusto ko lang talaga siyang maging kaibigan kasi ilang beses na kaming pinag-kikita sa mga events, sa mga functions, alam mo na, mga alta (mayayaman).

“So kapag nagkikita kami, parati kaming ini-introduce sa isa’t isa, at sabi ko parati, ‘yes, met a lot of times’ pero walang chance para mag-bonding kaming dalawa.

“So nu’ng Star Magic ball, baka puwede ko siyang i-invite kasi ayoko namang magpunta ng solo, so, ‘yun naging kami ang magkasama,” kuwento ng aktor.

Kaibigan lang ba, wala bang tibok sa puso niya? “Siguro mag-iipon pa ako ng maayos para pag humarap naman ako, meron din naman akong… (madudukot),” napangiting sagot ng binata. “Hindi, hindi pa, wala pa,” dagdag pa.

Mas masarap bang magtrabaho ng walang lovelife, tanong namin kay Enchong, “Minsan, gusto ko na rin, naghahanap na nga ako, eh. Wala talaga, eh,” seryosong sagot niya sa amin.

Bakit bigla siyang nalungkot sa tanong namin? “Minsan kasi nakaka-ano lang, kasi siyempre, gusto ko na rin, kasi minsan nakaka-bore na rin.”

Tinanong kami kung sino ang gusto namin for Enchong, sabi namin bagay sila ni Shaina Magdayao, tutal huminto na si Sam Milby sa panliligaw sa dalaga. So, sabi ko, siya na lang.

Biglang natawa ang aktor kasi crush pala niya si Shaina noong bagong pasok siya sa showbiz, pero ngayon daw ay lagi raw niyang inaasar ang dalaga.

Hmmmm, di ba kapag laging inaasar bossing Ervin, may gusto? (Ganu’n!? Porket inaasar may gusto agad? Kara-karaka? Ha-hahaha! Super react daw talaga ‘ko! – Ed)

E, kaso, paano makakaligaw si Enchong kung parating nakabantay si Piolo Pascual?  Kaya nga umatras na si Sam, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending