Kim bantay-sarado ni Ate Lakam, fans ni Paulo umalma

Kim Chiu bantay-sarado ni Ate Lakam, fans ni Paulo Avelino umalma

Reggee Bonoan |May 15,2024
facebook
share this

Kim Chiu bantay-sarado ni Ate Lakam, fans ni Paulo Avelino umalma

Reggee Bonoan - May 15, 2024 - 07:00 AM

Kim Chiu bantay-sarado ni Ate Lakam, fans ni Paulo Avelino umalma

Paulo Avelino at Kim Chiu

DAHIL sa pagbabantay kay Kim Chiu ng kanyang kapatid na si Ate Lakam ay bina-bash daw ito ngayon ng mga netizens.

Ito ang kuwento ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” vlog kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika na naka-upload na sa YouTube.

“May isang bahagi ng buhay ni Kim Chiu ang bina-bash ngayon dahil sa isyu na binabantayan daw siyang mabuti ng kanyang Ate Lakam, si Lakambini para hindi na raw siya uli masaktan pa sa pakikipagrelasyon.

Baka Bet Mo: Mabilis na paggaling ng kapatid ni Kim Chiu isang milagro: ‘Best gift ever is an answered prayer!’

“So, nagre-react ngayon ang mga tagahanga ni Paulo Avelino,” say ni ‘Nay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Opinyon naman ni  Romel Chika, masuwerte raw si Kim at may ate siyang nagbabantay sa kanya.

“Para maiwasan at hindi na maulit ang mga nagdaang (failed) relasyon niya (Kim),” sabi pa.

Kaya pala ganu’n ka-concern si Lakam sa kapatid na aktres ay, “Si Lakam pala ang talagang nagpalaki kay Kim. Siya ‘yung parang nanay (ipinakita ang mga lumang litrato sa SNN),” sambit ni Nay Cristy.

Sundot ni Wendell, “Kaya pasalamat talaga si Kim Chiu dahil nandiyan si Lakam sa tabi niya at nagbabantay sa kanya (binabantayan), ang pag-ibig niya kasi mahirap kapag walang nagbabantay.”

Baka Bet Mo: Ate Lakam sa kanyang kapatid na si Kim Chiu: ‘I’m able to open my eyes because of you…You never left my side’

Nagkatawanan sina ‘Nay Cristy at Romel Chika na tila may ibang kahulugan ang mga sinabi ni Wendell.

“Alam niya ‘yung sakit kasi kilalang-kilala nga niya si Kim bilang kapatid,” say ni Romel Chika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“At bilang nakatatandang kapatid at tumayo bilang nanay niya, si Lakam talaga ang nakakaalam kung ano ang emosyon ng kanyang kapatid at kung paano niya ilalarawan ‘yung nanliligaw o karelasyon,” paliwanag ni ‘Nay Cristy.

Lalo na kay Xian Lim na pagkalipas ng 12 years nilang relasyon ni Kim ay sinong mag-iisip na mauuwi lang pala sa wala ang lahat.

“Ang alam ay sa kasalan na ito mauuwi pero ganyan pa ang nangyari?” saad ni ‘Nay Cristy.

Walang third party daw sa hiwalayan ng KimXi dahil mutual decision daw nila ito.

Pero para kay Romel Chika ay sobrang sakit ito para sa aktres dahil, “Kinulong mo ako ng 12 years tapos wala, pa-asa pala? E, di sana nag entertain na lang ako ng iba (manliligaw) kung alam ko lang palang ganu’n.”

Kaya dahil sa mga nangyari, tiyak na bantay-sarado si Kim sa mga lakad niyaz lalo na kung may mga kasamang manliligaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito na nga raw nag-react ang mga supporters ni Paulo Avelino na sinasabing na-develop ba raw kay Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending