Kim Chiu sa birthday ng kanyang Ate Lakam: She is the Wonder Woman of the family…
NAGDIWANG ng kaarawan ang kapatid ni Kim Chiu na si Ate Lakam kamakailan lang.
Sa Instagram, ibinandera ng TV host-actress ang isang video na ipinapakita ang ilang throwback pictures nilang mag-ate, kabilang na ‘yung mga panahon na na-confine si Ate Lakam noong Abril.
“Yesterday was my dearest sissy @kamchiu’s birthday! [cake emoji] I may be a day late in greeting you on your special day, but I want to thank our Lord God for the answered prayer [folded hands emoji],” wika ni Kim sa kanyang post.
Inamin din ng aktres na ang kanyang ate ang nagsisilbing lakas niya sa lahat ng kanyang mga ginagawa sa buhay at sa karera.
“My ate has always been my rock in everything that I do, she always supports me, and she never fails to remind me that I can do things even if minsan akala ko wala nang pag-asa or madalas napanghihinaan na ako ng loob ko,” chika niya.
Baka Bet Mo: Mabilis na paggaling ng kapatid ni Kim Chiu isang milagro: ‘Best gift ever is an answered prayer!’
Sey pa niya, “Many of you thought kaya ko lahat, but in reality, it’s all her that helped me get through everything na lagi akong may maasahan and masasandalan. May it be tough times or good times.”
“She is the wonder woman of the family [red heart emoji] thank you, sis, for everything that you do, most especially for ME,” caption pa niya.
Sinabi din ni Kim na maswerte siyang magkaroon ng isang ate na tulad ng kanyang kapatid.
Mensahe ng aktres, “Your unconditional love is way beyond what I could ask for. You are God’s gift to me, and I’m lucky to have you as my ACHI [red heart emoji] love you always and forever. HAPPY BIRTHDAY! [random emojis].”
“Thank you Padre PIO for the gift of Life. Sissy you are a living proof that nothing is impossible through FAITH and TRUST [holding back tears, folded hands emoji],” pahabol pa niya.
View this post on Instagram
Kung maaalala, napurnada ang selebrasyon ng ika-33rd birthday ng TV host noong April 19 dahil isinugod sa ospital ang kanyang ate.
April 23 naman nang inihayag ni Kim na nakalabas na sa intensive care unit (ICU) ang kapatid at hinihintay na lang nilang magkamalay ito.
Masayang ibinalita ng dalaga na noong April 25 ay nagising na si Lakam makalipas ang limang araw nitong pagkaka-confine sa ospital.
Ayon sa mga doktor, maituturing na milagro ang nangyari kay Lakam dahil sa bilis ng recovery nito na talaga namang ipinagpapasalamat ng pamilya ni Kim sa Panginoong Diyos.
Related Chika:
Kim Chiu humiling ng dasal para sa kanyang Ate Lakam: She is my strength, and now…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.