Kim naniniwalang 'himala' ang nagawa ng pagdarasal niya kay Padre Pio para gumaling si Ate Lakam | Bandera

Kim naniniwalang ‘himala’ ang nagawa ng pagdarasal niya kay Padre Pio para gumaling si Ate Lakam

Ervin Santiago - June 01, 2023 - 09:36 PM

Kim naniniwalang 'himala' ang nagawa ng pagdarasal niya kay Padre Pio para gumaling si Ate Lakam

Kim Chiu at Lakam Chiu

MULING napatunayan ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu na totoong may himala, lalo na kapag pinalakas mo pa ang iyong pananampalataya sa Diyos.

Isa nga sa mga itinuturing niyang patunay ay ang mabilis na paggaling ng nakatatanda niyang kapatid na si Lakam na ilang araw ding na-confine sa ospital dahil sa naging karamdaman nito.

Kuwento ng aktres, talagang oras-oras siyang nagdarasal sa Panginoon at kay Padre Pio, Francesco Forgione o Saint Pio of Pietrelcina.

Matagal nang devotee ni Padre Pio ang dalaga at naniniwala siya na ang taimtim na paghingi niya ng tulong at awa rito ang naging dahilan ng pagbuti ng kundisyon ng kapatid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Kim sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Sisters Sanitary Napkins kahapon, May 31, kasama ang Vice President ng Megasoft Hygienic Products na si Aileen Choi-Go.

Ipinagdiinan ng gifriend ni Xian Lim na pinakamahalaga pa rin ang dasal at pananampalataya kapag may mga pinagdaraanang pagsubok sa buhay.

“Totoo talagang Padre Pio, isa talaga siyang miracle. Another miracle sa buhay ko na nangyari talaga.

“Yun! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Akala ko…wala na ganu’n. Natakot talaga ako,” masayang kuwento ng aktres.

Baka Bet Mo: Pagkapanot ni Juancho Trivino sa ‘Maria Clara at Ibarra’ pak na pak sa netizens; Barbie Forteza makatakas pa kaya sa ‘Noli’?

Ani Kim, buong araw daw talaga siyang nanatili sa loob ng Padre Pio chapel sa Libis, Quezon City, para  sa paggaling ng kanyang Ate Lakam.

Habang nasa chapel daw siya, “Wala, blangko! Nagkasakit pa ako. Hindi ko na alam kung ano na nangyari. Ang baba-baba na ng energy ko. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas.

“Tambay na lang talaga ako sa Padre Pio church du’n sa Libis. Wala, du’n na lang ako buong araw,” sabi pa ni Kim.

At pagkalipas nga lang ng ilang araw, parang himala raw na gumaling agad si Lakam. As in parang wala lang daw nangyari. Bumalik agad ang sigla nito at punumpuno ng energy.

“Sobrang okay na siya. Parang birthday niya. Happy birthday! Mag-enjoy ka, ganyan. So, God is really good sa lahat,” pagpapatunay pa ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isa sa mga realizations ni Kim sa nangyari sa kanyang Ate Lakam ay ang dobleng pag-iingat sa katawan at kalusugan.

Mahal na mahal daw niya ang kapatid kaya gagawin niya ang lahat para masigurong okay na okay ang kalagayan nito.

“We’ve been with each other side by side. Siya ang nasa harapan ko, parang ganu’n. Siya talaga yung lakas ko left and right, ang ate ko.

“Kaya nu’ng nangyari yun, snap lang talaga, e. Kaya kayo, alagaan n’yo yung health niyo. Kapag alam n’yo na pagod na kayo… talagang nag-advise pa ako! Pero kapag pagod na kayo, matulog na kayo,” paalala pa ni Kim sa mga kaharap na press people.

Nabanggit din ni Kim na naging karamay niya ang kanyang boyfriend na si Xian Lim noong maospital si Lakam. Sa katunayan, madalas din itong nagbabantay sa hospital.

“Lagi siya sa hospital kasama ko. And then, after niya mag-taping kasama ko, nandu’n naman siya palagi,” pagbabahagi pa ni Kim.

Kim Chiu pinuri ng netizens sa pagiging Padre Pio devotee: ‘Your such an inspiration to the young generation’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Guy nanaginip bago gawin ang ‘Himala’: Nakaluhod ako sa altar, tapos pagtingin ko kay Mama Mary ngumiti siya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending