Kim Chiu humiling ng dasal para sa kanyang Ate Lakam: She is my strength, and now... | Bandera

Kim Chiu humiling ng dasal para sa kanyang Ate Lakam: She is my strength, and now…

Therese Arceo |April 20,2023
facebook
share this

Kim Chiu humiling ng dasal para sa kanyang Ate Lakam: She is my strength, and now…

Therese Arceo - April 20, 2023 - 02:44 PM

Kim Chiu humiling ng dasal para sa kanyang Ate Lakam: She is my strength, and now...

TILA nahaluan ng lungkot ang masaya sanang pagdiriwang ng ika-33rd birthday ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu matapos isugod sa ospital ang panganay niyang kapatid na si Lakam Chiu.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang hindi inaasahang pangyayari kalakip ng mga larawan na kuha sa ospital kung saan naka-admit ang kanyang kapatid.

“Today is different. I wish it were different. [broken heart emoji]. Before today ends, I want to say Thank You for all your greetings and well wishes,” panimula ni Kim.

Humingi naman ng paumanhin ang dalaga sa mga taong hindi na niya masagot dahil na rin sa hindi inaasahang pangyayari.

“Thank you for the flowers, cakes, and meaningful birthday messages you sent here online and personally. I’m sorry I couldn’t answer all your messages. I appreciate you all so much. [heart emoji] Salamat po,” pagpapatuloy ni Kim.

Kasabay nito ay ang paghiling ni Kim sa madlang pipol ng dasal para sa agarang paggaling ng kanyang panganay na kapatid.

“Kung may hihingin man akong regalo sa inyo ngayon yun ay prayers para sa ate Lakam ko. [praying hands emoji]

Baka Bet Mo: Xian Lim kay Kim Chiu: No one knows more about our relationship than you and I

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Everything happened in a snap of a finger. She is my strength, and now the word strength becomes blurry. Please pray for her recovery. [praying hands emoji]” malungkot na saad ni Kim.

Bumuhos naman sa comment section ang mga mensahe ng suporta at dasal mula sa kanyang mga kaibigan at sa mga fans na patuloy ang pagsuporta sa kanya.

“Praying for your Ate Lakam and for and your whole family, Kim!” saad ni Megan Young.

Komento ni Angelica Panganiban, ” Magdadasal kami. Be strong Momsy.”

“Sending all the love and light, Kim!” sey naman ni Bela Padilla.

Matatandaang vocal na vocal ang aktres sa kung gaano niya kamahal ang kanyang Ate dahil ito ang nagmistulang gabay at sandalam niya nang pasukin niya ang showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago pa man ang pagpo-post ni Kim ng hindi inaasahang pangyayari ay bumati na sa kanya ang longtime boyfriend nitong si Xian Lim.

Related Chika:
Kim Chiu mahilig mag-join sa iba’t ibang klase ng race, may gustong patunayan sa sarili

Xian Lim, Ashley Ortega hindi niloloko si Kim Chiu: Trabaho lang, walang personalan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending