Mabilis na paggaling ng kapatid ni Kim Chiu isang milagro: ‘Best gift ever is an answered prayer!’
MASAYANG ibinalita ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu na okay na ang kundisyon ngayon ng nakatatanda niyang kapatid na si Lakam Chiu.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Kim kahapon, April 30, sa kanyang mga fans and social media followers, ito na ang itinuturing niyang “best birthday gift ever” na natanggap niya.
Bukod pa nga rito ang ibinigay na birthday surprise sa kanya ng pamilya at iba pang kamag-anak noong April 29. Hindi raw talaga niya in-expect na mag-e-effort pa ang mga ito para mapasaya siya sa kanyang kaarawan.
Kalakip ng mga litrato na kuha sa kanyang birthday celebration, kabilang na ang mga pictures nila ni Ate Lakam, ang kanyang mensahe ng pasasalamat.
“April 29 (praying hands emoji) Answered Prayer (heart emoji). Pray, Hope, and don’t worry. Worry is useless. God is merciful and will hear your prayer.-PadrePio.
“Thank you for making today a memorable one. (heart emoji). Salamat! #CoreMemory #ForeverThankful for the highs and lows of life. Miracles happen, you just have to believe.
“Words can’t explain how happy I am. Words can’t explain how everything happened from extreme low to extreme happiness. Iba talaga si Lord. (parying hands emoji).
Baka Bet Mo: Kim Chiu tinukso ng fans kay ‘Boys Over Flowers’ star Kim Hyun-joong: ‘May kilig! Bigyan na ng project yarn!’
“Thank you fam headed by ate @edith.farinas sa pa bday surprise last night kahit nasa hospital driveway tayo ginawa nyo parin,” pahayag pa ni Kim.
Patuloy pa niya, “Nagulat talaga ako akala ko bibili lang ng coffee. (heart emoji). Thank you buena pamilya fam sa helping me with my bday charity headed by ate @haidzfernandez .
“Thank you papa william for helping me with achi @kamchiu and also to sissy @iambazooka SALAMAT. (heart emoji).
“Best gift ever is an answered prayer. (praying hands, heart emojis),” aniya pa.
Kasunod nito, ibinahagi rin ni Kim ang pagdiriwang niya ng kaarawan sa pamamagitan ng isang charitable work kung saan namigay siya ng mga regalo sa isang community.
Sabi ng aktres sa kanyang Instagram post, “I am truly grateful. (praying hands emoji).
“I couldn’t ask for any other birthday celebration than to see their hands full and happy faces. [heart emoji] Heart is full. Thank you, Lord God. Have a blessed Sunday, everyone,” mensahe pa niya.
Last April 19 ang eksaktong 33rd birthday ni Kim ngunit napurnada nga ang kanyang selebrasyon dahil isinugod ang kapatid niyang si Ate Lakam sa ospital.
April 23 naman nang ihayag ni Kim na nakalabas na sa intensive care unit (ICU) ang kapatid at hinihintay na lang nilang magkamalay ito.
Masayang ibinalita ng dalaga na noong April 25, ay nagising na si Lakam makalipas ang limang araw nitong pagkaka-confine sa ospital.
Ayon sa mga doktor, maituturing na milagro ang nangyari kay Lakam dahil sa bilis ng recovery nito na talaga namang ipinagpapasalamat ng pamilya ni Kim sa Panginoong Diyos.
Related Chika:
Kim may pa-tribute para sa b-day ni Sissy Kamy: Swerte kami na ikaw ang sandalan namin!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.