Herlene Budol sumabak sa Q&A, matapang na sinagot kung dapat sumali ang mga transwoman sa mga beauty pageant | Bandera

Herlene Budol sumabak sa Q&A, matapang na sinagot kung dapat sumali ang mga transwoman sa mga beauty pageant

Ervin Santiago - May 05, 2022 - 07:47 AM

Herlene Budol

IN FAIRNESS, pasado naman sa mga netizens ang pagsabak ni Herlene Budol sa pa-question and answer challenge ng LGBTQIA!+ couple sa kanilang YouTube vlog.

Nagpasampol si “Hipon Girl” sa pagsagot sa mga possible questions na maaaring itanong sa kanya sa pagrampa niya bilang isa sa 40 kandidata ng Binibining Pilipinas 2022.

Mapapanood ito sa unang vlog ng magdyowang sina Apple at Aian sa kanilang YouTube channel na FAMngarap na in-upload last May 1.

Sa simula ng video, may pa-disclaimer pa ang Kapuso comedienne at aspiring beauty queen bago sagutin ang mga controversial questions na ibabato sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Teka lang, ha! Hindi pa ako masyadong nagtu-tutorial sa jutakan (utakan), kaya ngayon pa lang ako nag-start. Don’t expect too much muna,” ang pahayag ni Herlene.

Ang first question kay Hipon Girl, “Sang-ayon ka ba sa pagsali ng mga transgender women sa mga beauty pageants sa Pilipinas?”

Muling ipinaalala ni Herlene na  personal niyang opinyon ang kanyang isasagot, “Para sa akin, nirerespeto ko yung ano ang desisyon nila (transwomen).

“Pero para sa akin lang ‘to, ah, may pageant para sa kanila na kaya nilang mas panindigan o bigyan ng mas magandang laban, at ng hustisya yung pinaglalaban nila sa kanilang gender. Kaya para sa akin, may (pageant) para sa kanila,” paliwanag pa ng komedyana.

Sumunod na tanong sa “False Positive” star, “Kung ikaw ay magkakaroon ng karelasyon na tomboy o transman at kayo ay mag-aanak, ano ang mas preferred mo, IVF (in vitro fertilization) o adoption?”

Tugon ng dalaga, “Sobrang lalim ng tanong na iyan. Pero para sa akin, ha, my own opinion pa rin ito, pipiliin kong mag-adopt.

“Kasi, bukod sa… IVF ba tawag du’n? Pang-may budget lang iyon. Kasi, kagaya ko, halimbawa, wala akong budget, bakit ko pa ipu-push ang magkaroon ng ganoon kung kaya ko naman mag-adopt?

“’Tapos makatulong pa ako sa mga kabataan na kulang sa pagmamahal ng magulang, financial, na hindi kayang suportahan ang paglaki nila.

“So, ako itong magiging hero nila, magiging magulang nila, na hindi ko man sila isinilang, pero kaya ko silang maging tunay na anak sa puso’t isipan ko. Pagtulong ko na rin sa kapwa Pilipino,” ang maliwanag na sagot ni Herlene.

Samantala, may tatlong bagay daw na ipinagpapasalamat ngayon si Herlene — yan ay ang pagiging bahagi ng “Wowowin” ni Willie Revillame, ang nalalapit niyang pagtatapos sa college at ang pagsali niya sa Binibining Pilipinas.

“This year magga-graduate na ako, fourth year, College of Saint John Paul II Cainta,” pagbabahagi pa ni Herlene. Ga-graduate na siya sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management.

“And siyempre ang Binibining Pilipinas na unexpected din. Hindi ko pa rin ma-sink in sa utak ko na nandito ako, at nag-aaral ako, dinadagdagan ko pa ang knowledge, na alam kong marami pa akong hindi alam,” sabi pa ni Herlene.

Nauna rito, nabanggit din niya na plano niyang mag-Tagalog sa question and answer portion ng Binibining Pilipinas, “Nabasa ko lang po eto sa isang pageant group. Opo, indi ko po eto ikahihiya naiyak ako dahil sa English.

“But it doesnt mean hanggang diyan na lang si Hipon girl nyo. Hindi ko pipilitin ang mag-Ingles. Wikang Filipino po ang gagamitin ko.

“This will inspire me to pursue my dreams. Hanggat may buhay may pag-asa! Magkalat man ako o hindi may Hipon magtatak sa entablado!” diin pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/304563/herlene-budol-hindi-kumita-sa-mga-naunang-vlogs-nakakalungkot-lang-isipin-kasi-kahit-kani-kanino-ako-nagtiwala
https://bandera.inquirer.net/289284/herlene-budol-bumuwelta-sa-mga-golden-bashers-may-hiling-para-sa-magulang-nina-toni-at-alex
https://bandera.inquirer.net/311488/herlene-budol-pasok-sa-top-40-ng-binibining-pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending