Jestoni istriktong ama, bina-background check suitors ni Angela

Jestoni istriktong ama, bina-background check ang manliligaw ni Angela

Ervin Santiago |May 16,2024
facebook
share this

Jestoni istriktong ama, bina-background check ang manliligaw ni Angela

Ervin Santiago - May 16, 2024 - 08:00 AM

Jestoni istriktong ama, bina-background check ang manliligaw ni Angela

Jestoni Alarcon at Angela Alarcon

BILANG tatay, talagang kinikilala at kinikilatis ng aktor at action star na si Jestoni Alarcon ang mga nanliligaw sa kanyang anak na si Angela Alarcon.

Aminado si Jestoni na medyo istrikto siya pagdating sa kanyang anak na nag-aartista na rin ngayon dahil gusto niya lang kung ano ang “the best” para kay Angela.

Sa guesting ng mag-ama sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Tuesday, napag-usapan nga ang tungkol sa lovelife ng Kapuso actress.

Baka Bet Mo: Dating sexy actress na si Angela Perez pumanaw na sa edad 55; mensahe ng naulilang anak: ‘Nanginginig ako sa kakaiyak…I love you so much Ma’

“Actually, may mga dumadalaw sa kanya na boys sa bahay talaga.

“Ang gusto ko lang kasi, makilala ko. So natutuwa ako kapag nakikilala ko in person.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jestoni Alarcon FA (@jestoni.fa)


“Kung anuman ang magiging development nila, nasa kaniya na ‘yon. Hindi naman ako magsasabing ‘O huwag ‘yan kasi ganyan.’

“Tinitingnan ko rin kung okay. Kung sa tingin kong mukhang okay naman ‘yung bata, mabait naman, sa tingin ko mamahalin nang husto ‘yung anak ko, why not, ‘di ba?” saad ni Jestoni.

Sundot na tanong ni Tito Boy, paano raw kung hindi pumasa sa kanya ang manliligaw ni Angela, “E, ‘di pag-usapan namin sa likod. Ha-hahaha!”

Ano nga ba ang mga qualities na hinahanap ni Jestoni para sa future dyowa ni Angela?

Baka Bet Mo: Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

“Tinitingnan ko siyempre ‘yung family background. At the same time, kung okay naman ang work ng bata at makita ko naman kung okay ‘yung intention sa kaniya,” sagot ng action star.

Para naman kay Angela, kailangang makilatis muna niya ang isang lalaki, bago niya ito ipakilala sa kanyang parents.

“Siguro it should be multiple dates po muna. I need to know first if worth it na po bang ipakilala sa parents.

“If genuinely I have a connection with the person, if alam ko naman ‘yung intention niya sa akin is mahal talaga niya ako, doon na po talaga ready ko siyang ipakilala,” sey ng Kapuso actress.

Sa tanong kung sino ang mas istrikto sa kanyang mga magulang, “It’s more of my dad talaga Tito Boy. My mom is pretty chill about it.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fast Talk with Boy Abunda (@fasttalkgma)


“Okay lang kay mommy lahat. Happy siya basta happy ako. Pero si dad po talaga, talagang bina-background check niya,” sagot ni Angela.

Reaksyon naman ni Jestoni, “Gusto ko lang na bilang ama, maging safe siya sa mga sinasamahan niya, na alam namin kung saan siya, sino ang kasama. So that’s it.”

Sey naman ni Angela, “I would always say this and that from this person na ‘I had a date with this guy.’

“Nakukuwento ko eventually and kinukuwento ko rin kung ano ang personality ng guy. With that, nagiging close po talaga kami,” saad pa ni Angela.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, parehong napapanood ang mag-amang Angela at Jestoni sa hit Kapuso action-drama series na “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending