Kapwa-akusado ni Cedric Lee sa kaso ni Vhong Navarro sumuko na sa NBI
MAKALIPAS ang halos dalawang linggo, sumuko na rin sa National Bureau of Investigation (NBI) si Ferdinand Guerrero, ang kapwa-akusado ni Cedric Lee.
Ito ay kaugnay pa rin sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host-actor na si Vhong Navarro sa apat na suspek na sina Lee, Guerrero, modelong si Deniece Cornejo, at ang isa pang dawit na si Simeon Raz.
Magugunitang nag-ugat ito sa pambubugbog, paggapos, pananakot at pagditine kay Vhong sa condo unit ni Deniece sa Taguig City noong January 2014.
Anyway, magandang balita ito para sa aktor dahil hawak na ng mga awtoridad ang apat na kinasuhan niya.
Ayon sa bureau, noong May 16 nang kusang sumuko si Guerrero kay NBI Director Medardo G. de Lemos.
Baka Bet Mo: Cedric Lee nasa New Bilibid Prison na, isa pang akusado hinahanap pa
“Director de Lemos immediately formed a team composed of NBI International Operations Division (IOD) agents and proceeded to Buendia Ave., Makati City. The accused again stated his willingness to surrender and went peacefully with the NBI agents,” saad sa inilabas na pahayag ng NBI.
Dagdag pa, “Documents are now being prepared for the return of the warrant to the issuing court.”
Kung maaalala, si Lee ay sumuko sa NBI noong May 2, sa parehong araw na hinatulan silang “guilty” ng Taguig Regional Trial Court.
Makalipas ang dalawang araw ay dinala at ikinulong na siya sa New Bilibid Prison (NBP).
Si Deniece naman ay kasalukuyan nang nasa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, habang si Raz ay nasa Reception and Diagnostic Center ng NBP.
Ang apat na suspek ay sinentensyahan ng 40 years na pagkakakulong.
Bukod pa riyan ay kanselado na rin ang kanilang bail bond, ngunit maaari pa rin naman nilang iapela ang naging desisyon ng korte.
As of this writing, wala pang pahayag si Vhong kaugnay sa latest update na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.