Cedric Lee sumuko, nasa kostodiya na ng NBI

Cedric Lee sumuko, nasa kostodiya na ng NBI

Pauline del Rosario - May 03, 2024 - 09:01 AM

Cedric Lee sumuko, nasa kostodiya na ng NBI

Cedric Lee

HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang businessman na si Cedric Lee matapos boluntaryong sumuko.

Ito ay kinumpirma mismo ng NBI director na si Manardo de Lemos nang tanungin ng INQUIRER.net sa isang viber message.

“Yes, he is in custody,” sey ni de Lemos.

Kusang sumuko si Cedric ilang oras matapos siyang hatulan ng “guilty beyond reasonable doubt” kasama si Deniece Cornejo at dalawang iba pa sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa sa kanila ng TV host-actor na si Vhong Navarro sampung taon na ang nakakaraan.

Si Cedric, Deniece at ang respondents na sina Ferdinand Guerrero at Simeon Palma Raz ay sinentensyahan ng 40 years na pagkakakulong ng Taguig Regional Trial Court 153 noong May 2.

Baka Bet Mo: Cedric Lee tumestigo para kontrahin ang petisyon ni Vhong Navarro na makapag-piyansa

Bukod pa riyan ay kanselado na rin ang kanilang bail bond, ngunit maaari pa rin naman nilang iapela ang naging desisyon ng korte.

Kung matatandaan, ang naturang kaso ay nag-ugat sa pambubugbog, paggapos, pananakot at pagditine ng mga apat na akusado kay Vhong sa condo unit ni Deniece sa Taguig City, noong January 22, 2014.

Kinumpirma ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga ang court order laban kina Cedric at Deniece at sa dalawa pa nilang kasamahan.

Matatandaang nahatulan ding guilty sina Cedric at Deniece para sa kasong grave coercion na isinampa rin ni Vhong kaugnay pa rin sa naturang insidente.

Grateful naman ang TV host sa inilabas na desisyon ng korte laban sa apat na akusado.

Sa programang “It’s Showtime,” sinabi ni Vhong na masaya siya dahil matagal na niyang inaantay na makamit ang hustisyang ito.

“Gusto ko munang [kunin] itong pagkakataon na ito para magpasalamat. Of course, maraming-maraming salamat, Lord, dahil lagi Ka nakagabay sa akin,” sey niya.

Ani pa niya, “Sa raming pinagdaanan ko sa buhay, nandiyan Ka, Ikaw naging sentro ko, at napakatotoo Mo. Kaya maraming-maraming salamat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod niyan ay pinasalamatan din ng aktor ang Taguig RTC, kanyang legal team sa pamumuno naman ni Atty. Mallonga, ABS-CBN family, mga tagahanga, pati ang kanyang asawa na si Tanya Bautista at mga anak nitong sina Bruce at Yce.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending