Cedric Lee kay Vhong Navarro: He can't hide anymore Bandera

Cedric Lee kay Vhong Navarro: He can’t hide anymore

Therese Arceo |September 21,2022
share this

Cedric Lee kay Vhong Navarro: He can’t hide anymore

Therese Arceo - September 21, 2022 - 06:04 PM

Cedric Lee kay Vhong Navarro: He can't hide anymore
NAG-REACT ang businessman na si Cedric Lee ukol sa muling pagkabuhay ng nabasurang kaso nila noon laban kay TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Batay sa naging panayam ng ABS-CBN report ay nagsalita na nga patungkol sa pagkakakulong ni Vhong.

“He has to face all the charges against him. Just like we did. I feel slightly vindicated because finally we will have our day in court after almost 9 years,” saad ni Cedric.

Aniya, hindi na raw makakatakas ang “It’s Showtime” host sa mga pagkakasalang kanyang ginagawa sa mga babaeng naabuso diumano ng komedyante.

“This serial rapist will finally be made to answer for all the women he raped. He cant hide anymore behind De Lima who’s now in jail, or Calvento who’s now dead, or ABS-who lost its franchise. His modus operandi of being a serial rapist will now be exposed,” dagdag pa ni Cedric.

Marami naman sa mga netizens ang tila na-lost sa pagkakabanggit ng businessman kay De Lima at sa ABS-CBN.

Ang tinutukoy ni Cedric sa kanyang mga naging pahayag ay ang dating senador na si Leila de Lima na siyang Department of Justice Secretary noong 2014 habang ang ABS-CBN naman ang home network ni Vhong na nawalan ng prangkisa noong 2020.

Bukod pa rito ay binigyan raw siya ng pahintulot ni Deniece na tumanggap ng kopya ng warrant of arrest laban kay Vhong nitong Lunes para sa kasong acts of lasciviousness dahil wala naka-out of town ito.

Matatandaang noong 2018 ay nahatulan ng guilty si Cedric maging si Deniece sa kasong grave coercion dahil sa umano’y pambubugbog at pananakot ng mga ito sa “It’s Showtime” host noong Enero 2014.

Samantala, umapela naman ang kampo ni Vhong para sa kanyang piyansa kaugnay ng kasong rape na isinampa sa kanya ni Deniece.

Nitong Lunes, Setyembre 19 nang personal na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Kapamilya TV host para sa arrest warrant na natanggap niya sa kasong acts of lasciviousness at nagpiyansa ng P36,000.

Ngunit na-detain si Vhong sa kustodiya ng NBI matapos maglabas ng ikalawang arrest warrant ni Taguig Regional Trial Court Branch 69 Presiding Judge Loralie Cruz Datahan sa kasong rape na “not bailable”.

Related Chika:
Cedric Lee tetestigo sa pagdinig

Vina nagsampa ng reklamo kay Cedric Lee: Lalaban na ako ngayon!

Cedric Lee tinuluyan si Vina, kinasuhan ng 5 counts of libel

Ellen Adarna tsinugi sa pelikula ni Vhong dahil kay Cedric Lee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending