Cedric Lee tinuluyan si Vina, kinasuhan ng 5 counts of libel | Bandera

Cedric Lee tinuluyan si Vina, kinasuhan ng 5 counts of libel

Ervin Santiago |June 22,2016
facebook
share this

Cedric Lee tinuluyan si Vina, kinasuhan ng 5 counts of libel

Ervin Santiago - June 22, 2016 - 12:35 AM

cedric lee at vina morales

FIVE counts of libel ang isinampa ni Cedric Lee laban sa ina ng kanyang anak na si Vina Morales. Tinuluyan na nga ng negosyante ang kanyang ex-girlfriend at pormal nang naghain ng demanda sa Office of the Provincial Prosecutor sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Lunes nang hapon.

Ayon sa report, itinanggi ni Cedric ang lahat ng paratang ni Vina sa kanya, kabilang na ang sapilitang pagtangay sa anak nilang si Ceana sa loob ng siyam na araw. Hindi rin daw totoo na nagka-trauma ang bata matapos manatili ng ilang araw ang bata sa kanyang pangangalaga.

Desidido si Cedric na ipaglaban ang mga karapatan niya sa anak at mapatunayan sa korte na puro kasinungalingan ang pinagsasabi ni Vina laban sa kanya. Bukod dito nakatakda ring magsampa ngayong araw ng isa pang libel case sa Caloocan City si Cedric, pati ang kapatid na si Bernice Lee, laban kay Vina.

Sa huling panayam kay Vina sa nakaraang presscon ng seryeng Born For You sinabi nitong bahala na ang kanyang abogado sa mga libel case na isasampa ni Cedric Lee. Handa raw siyang lumaban para sa kapakanan ng kanyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending