Vina nagsampa ng reklamo kay Cedric Lee: Lalaban na ako ngayon! | Bandera

Vina nagsampa ng reklamo kay Cedric Lee: Lalaban na ako ngayon!

Reggee Bonoan |June 08,2016
facebook
share this

Vina nagsampa ng reklamo kay Cedric Lee: Lalaban na ako ngayon!

Reggee Bonoan - June 08, 2016 - 12:35 AM

vina morales at cedric lee

NAGSAMPA ng reklamo sa korte si Vina Morales laban sa dating boyfriend na si Cedric Lee matapos umano nitong kunin ang kanilang anak na si Ceana nang walang pahintulot.

Noong Biyernes, nag-file na ng motion ang Kapamilya singer-actress sa San Juan Prosecutors Office branch 162 at ngayong umaga nga ang nakatakdang unang hearing nila.

Sa text message ni Vina sa amin kahapon, nanindigan siya na ipaglalaban niya ang kanyang mga karapatan bilang ina ni Ceana at hindi siya papayag na maulit pa ang ginawa ni Cedric. Nangyari raw ang insidente habang nasa ibang bansa siya kasama ang kanyang foreigner boyfriend.

“He detained Ceana from going home for 9 days when I was away at hindi niya pinapakausap sa akin yung anak ko so his intention was not good and wants to bully me and harrass me. Hindi niya binalik sa family ko ang anak ko. Sobra kami lahat na stressed at nag worry kasi bawal namin kausapin si Ceana.

“He also violated courts approved visitation rights na every Saturday. Alam mo yan Reggs, tahimik ako all these years sa pambu-bully niya sa akin at sa yaya ni Ceana nuon na pinakulong niya ng 3 days sa San Juan na walang kalaban laban dahil sa ginawa nilang false story sa case na nagnakaw si Yaya ng 50k sa bodyguard ni Cedric na never nangyari.

“Never akong lumaban nuon pero ibang usapan na eto. Syempre na confuse yung anak ko sa nangyari at nagkaroon ng konting trauma. Kung ako nga nagka trauma sa kanya sa edad ko, what more ang 7 years old na nabigla at naguluhan bakit hindi siya pwedeng umuwi ng house ng 9 days at hindi kami pwede makausap?” ang sunud-sunod na text ni Vina sa amin.
Dugtong pa niya, “I’m filing a motion dun sa custody case na file niya sa akin nung 2013, siya pa ang may lakas na mag file ng custody, we are not even married and no financial support to my daughter.

“My new lawyer now is Atty. Anna Maribel Santiago. The lawyer who also helped me last 2013 was Atty. Ariel Radovan and Atty. Jiboy Cabochan,” dagdag pa ni Vina.

Kung matatandaan, naging kontrobersyal si Cedric nang ituro siya bilang pangunahing suspek sa pambubugbog kay TV host-comedian Vhong Navarro noong January, 2014.

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ni Cedric Lee sa ngalan ng parehas na pagbabalita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending