Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty sa kasong isinampa ni Vhong

Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty sa mga kasong isinampa ni Vhong Navarro

Ervin Santiago - May 02, 2024 - 11:26 AM

Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty sa mga kasong isinampa ni Vhong Navarro

“GUILTY beyond reasonable doubt” ang naging hatol kina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa kasong serious illegal detention for ranson na isinampa sa kanila ni Vhong Navarro.

Binasa ang hatol laban kina Cedric, Deniece at dalawa pang repondents na sina Zimmer Raz at Ferdinand Guerrero, sa Taguig Regional Trial Court Branch 153, ngayong araw, May 2.

Kasunod nito, ipinag-utos na rin ng korte ang pag-aresto sa apat na akusado para sa parusang “reclusion perpetua” o habangbuhay na pagkakakulong.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang naturang kaso ay nag-ugat sa pambubugbog, paggapos, pananakot at pagditine ng mga apat na akusado kay Vhong sa condo unit ni Deniece sa Taguig City, noong January 22, 2014.

Baka Bet Mo: Cedric Lee tumestigo para kontrahin ang petisyon ni Vhong Navarro na makapag-piyansa

Kinumpirma ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga ang court order laban kina Cedric at Deniece at sa dalawa pa nilang kasamahan.

Matatandaang nahatulan ding guilty sina Cedric at Deniece para sa kasong grave coercion na isinampa rin ni Vhong kaugnay pa rin ng naturang insidente.

Nabatid na wala sa korte sina Cedric at Ferdinand nang basahin ang hatol o ang tinatawag na “promulgated of judgment” ngayong umaga.

Inutusan din ng korte ang mga akusado na bayaran si Vhong ng “P100,000 in civil indemnity, P100,000 as moral damages, and P100,000 as exemplary damages.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“All monetary awards shall earn legal interest rate of 6% per annum from the finality of the judgment until fully paid,” ayon sa desisyon ng korte.

Ayon naman kay Atty. Alma Mallonga, natutuwa at feeling vindicated ang TV host-comedian sa inilabas na hatol laban sa mga taong sinampahan niya ng kaso.

Pwede pang iapela ng kampo nina Cedric at Deniece ang desisyon ng korte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending