Cedric Lee tumestigo para kontrahin ang petisyon ni Vhong Navarro na makapag-piyansa | Bandera

Cedric Lee tumestigo para kontrahin ang petisyon ni Vhong Navarro na makapag-piyansa

Therese Arceo - October 14, 2022 - 01:10 PM

Cedric Lee tumestigo para kontrahin ang petisyon ni Vhong Navarro na makapag-piyansa
PRESENT ang negosyanteng si Cedric Lee sa bail hearing ng TV host-comedian na si Vhong Navarro kaugnay ng isinampang kaso ni Deniece Cornejo kahapon, Oktubre 13.

Ang negosyante ang naging first witness para nga sa naturang unang bail hearing ukol sa kasong rape ng komedyante.

Bagamat nagpunta sa Taguig City court si Cedric ay naging tikom naman ang bibig nito sa mga katanungan ng media.

Ayon naman sa abogado ni Deniece na si Atty. Howard Calleja, mayroon pa silang apat na witness para kontrahin ang petisyon ni Vhong na makapagpiyansa.

“Natapos ‘yung aming testigo, unang testigo na si Cedric… and we will present another one on Monday. We have until November 10 to present all our five witnesses,” saad ng abogado.

Dagdag pa nito, “Testigo natin siya. Lahat ng testigo natin mahalaga. Tingnan na lang natin kung papano sila pakinggan ng korte.”

Enero 2014 nang mangyari ang diumano’y pangmomolestiya ni Vhong kay Deniece na nangyari sa loob ng condominium ng dalaga, kung saan rin nangyari ang pananakit ng kampo ni Cedric sa komedyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Hapon ng September 19 nang i-detain ang “It’s Showtime” host matapos ilabas ng korte ang arrest warrant laban dito para sa kasong rape.

Samantala, hindi naman nagkakitaan ng personal sina Cedric at Vhong dahil nakipag-video conference na lamang ang huli bilang pag-iingat sa COVID-19.

Bukod rito, wala rin ang modelong si Deniece sa kauna-unahang bail hearing. Magaganap naman ang susunod na hearing sa Lunes, October 17.

Matatandaang nahatulan noon ng guilty sina Cedric at Deniece para sa kasong grave coercion matapos ang naging pambubugbog at pananakit ng kampo kay Vhong 2014.

Related Chika:
Cedric Lee kay Vhong Navarro: He can’t hide anymore

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

NBI inilabas ang mugshots ni Vhong Navarro matapos ang boluntaryong pagsuko

Vhong Navarro nakakulong na sa NBI detention center para sa kasong rape; abogado aapela para sa piyansa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending