Vhong Navarro nakakulong na sa NBI detention center para sa kasong rape; abogado aapela para sa piyansa | Bandera

Vhong Navarro nakakulong na sa NBI detention center para sa kasong rape; abogado aapela para sa piyansa

Ervin Santiago - September 20, 2022 - 07:43 PM

Vhong Navarro nakakulong sa NBI detention center

Vhong Navarro

ANG pansamantalang kalayaan ng TV host-comedian na si Vhong Navarro ang agad na pagtutuunan ng pansin ng kanyang abogado kaugnay ng mga kasong kinasasangkutan nito.

Kasalukuyang nasa National Bureau of Investigation (NBI) detention center si Vhong matapos magpalipas ng gabi sa NBI headquarters mula kahapon, September 19.

Ito’y matapos nga ang magkasunod na paglabas ng warrant of arrest laban sa aktor mula sa dalawang korte ng Taguig City.

View this post on Instagram

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Unang inisyu ang warrant of arrest mula sa Metropolitan Trial Court, Branch 116 kahapon ng umaaga para sa reklamong acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo.

Pagdating ng hapon nu’ng araw ding yun ay naglabas naman ng warrant of arrest ang Taguig Regional Trial Court Branch 69  kaugnay naman ng kasong panggagahasa na inihain pa rin ni Deniece.

Nagpiyansa ng P36,000 ang Kapamilya star para sa kasong acts of lasciviousness pero ikinulong pa rin siya sa NBI detention center dahil non-bailable ang kasong rape.

Sabi ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, maghahain sila ng petition for bail sa kinahaharap na rape case ng aktor.

“The warrant of arrest with respect to the rape complaint was issued and that case is non-bailable.

“Mr. Vhong Navarro has voluntarily surrendered also in connection with the rape complaint and he is presently detained.

“Under the laws and the procedure, he will continue to be detained until bail is granted to him.

“That will require the petition for bail be filed and we will do it immediately,” ang pahayag ng abogada sa panayam ng “Headstart” sa ANC ngayong araw.

“Our first and foremost duty, I think, in this case is to set Mr. Vhong Navarro free on bail,” dagdag pa ni Atty. Mallonga.

https://bandera.inquirer.net/324503/nbi-inilabas-ang-mugshots-ni-vhong-navarro-matapos-ang-boluntaryong-pagsuko
https://bandera.inquirer.net/286178/dingdong-kinabahan-nang-magpabakuna-pero-kailangan-natin-ito-para-sa-proteksyon-ng-lahat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307807/vice-ganda-magbabalik-pelikula-na-nga-ba
https://bandera.inquirer.net/305668/cristy-fermin-hindi-magbibigay-ng-public-apology-kay-dawn-chang-hinusgahan-na-po-agad-ang-aking-pagkatao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending