Vhong grateful sa desisyon ng korte laban kina Cedric at Deniece

Vhong grateful sa desisyon ng korte laban kina Cedric at Deniece

Therese Arceo - May 02, 2024 - 03:11 PM

Vhong grateful sa desisyon ng korte laban kina Cedric at Deniece

LABIS ang tuwa na nararamdaman ng TV host-comedian na si Vhong Navarro sa inilabas na desisyon ng Taguig Regional Trial Court tungkol sa kaso niya laban kina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Guilty ang naging hatol ng korte laban kina Cedric at Deniece pati na rin sa dalawa pang mga kasamahan ngayong Huwebes, May 2.

Iniutos rin ng korte na arestuhin na ang mga akusado para sa parusang reclusion perpetua o hanggang 40 years na pagkakakulong at bukod pa rito, kanselado na rin ang kanilang bail bond.

Baka Bet Mo: Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty sa mga kasong isinampa ni Vhong Navarro

Ngunit maaari pa rin naman nilang iapela ang naging desisyon ng korte.

Nagbigay rin ng pahayag si Vhong sa episode ngayon ng kanilang noontime program na “It’s Showtime” tungkol sa naging desisyon ng korte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Aniya, masaya siya dahil matagal na niyang inaantay na makamit ang hustisyang ito.

“Gusto ko munang [kunin] itong pagkakataon na ito para magpasalamat. Of course, maraming-maraming salamat, Lord, dahil lagi Ka nakagabay sa akin.

“Sa raming pinagdaanan ko sa buhay, nandiyan Ka, Ikaw naging sentro ko, at napakatotoo Mo. Kaya maraming-maraming salamat,” saad ni Vhong.

Nagpasalamat rin siya sa Taguig RTC sa desisyon na inilabas nito.

“And of course, maraming salamat po sa RTC Taguig Branch 153, kay Judge Bien, at sa lahat po ng staff ng court, sa ibinigay niyo pong justice sa akin, na matagal ko na pong pinagdadasal.
Salamat po ng marami,” sey pa ni Vhong.

Hindi rin niya nakalimutan ang kanyang legal team sa pamumuno naman ni Atty. Alma Mallonga.

Maging ang kanyang pamilya sa ABS-CBN, mga kasamahan sa Streetboys, at pati si Direk Chito Roño ay pinasalamatan niya sa hindi nito pagtalikod sa kanya noong mga panahong matindi ang kanyang pinagdaraanan.

Sambit ni Vhong, “At maraming salamat po sa ABS-CBN, Sir Carlo [Katigbak], Tita Cory [Vidanes], Sir Mark [Lopez], Sir Gabby [Lopez], Ma’am Charo [Santos-Concio], FMG [Freddie M. Garcia], Direk Lauren [Dyogi]. Dahil since day one, nandiyan po kayo, lagi po kayong nakasuporta sa akin at naniniwala kayo sa akin.

“At maraming maraming salamat po kay Direk Chito, Streetboys, sa mga kaibigan ko, sa mga kuys, Wednesday Club, dahil parati kayo nasa tabi ko. Hindi niyo po ako iniiwan at pinapabayaan.”

Hindi rin nakalimutan ni Vhong ang mga supporters niya na patuloy na naniwala sa kanya.

“And of course, sa mga naniniwala sa akin, sa aking mga fans, na kung ano yung mga narinig niyong hindi maganda sa akin, e, patuloy kayo nandiyan, sumusuporta at naniniwala,” dagdag ni Vhong.

Sa huli ay nagpasalamat siya sa kanyang “Showtime” family.

“Sa staff ng Showtime, Showtime family, maraming salamat kasi hinahabaan niyo yung pasensiya niyo.
“Kasi minsan lutang ako, rollercoaster pinagdaanan ko, ang hirap explain, pero minsan sabaw ako dito, e.

“Pero nandiyan kayo, kahit yung mga bitaw ko, mga hirit ko, e, sablay, papuntang norte, papuntang south.

“Hindi ko alam, pero nandiyan kayo to support me, dahil alam kong mahal na mahal niyo ako.”

At sa huli ay nagbigay mensahe siya sa kanyang asawang si Tanya Bautista at sa mga anak nitong sina Bruce at Yce.

“And of course, sa family ko, kay Yce, Bruno at sa dalawa kong nanay, kapatid ko, pamangkin ko, salamat dahil naging matatag kayo kasama ko. Salamat sa pagmamahal niyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And of course, kay Tanya, naku, marami akong pagkukulang sa yo, pero hindi mo ako iniwan.
“Marami akong kasalanan, pero nandiyan ka pa rin. Hayaan mong bumawi ako sa yo, sa abot ng aking makakaya, hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal kita. Salamat.”

Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa naging desisyon ng korte.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng mga sangkot sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending