Anak ni Vhong na si Yce ilang beses bumagsak sa audition, pero ‘di sumuko
DUMAAN din sa hirap at sakripisyo ang anak ni Vhong Navarro na si Yce Navarro bago nabigyan ng break sa mundo ng showbiz.
Matagal nang gustong mag-artista ni Yce pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakatao na tuparin ang kanyang pangarap.
Isa si Yce sa mga bagong karakter na mapapanood sa Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ng Teleserye King na si Coco Martin.
Ayon sa anak ni Vhong, nais din niyang magkaroon ng sariling pangalan sa showbiz sa pamamagitan ng pagpapakita sa madlang pipol ng kanyang talento sa pag-arte.
Baka Bet Mo: Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’
“I wanted to do this for a long time. Kasi three years ago, four years ago, I’ve been auditioning in other stations to get me, but every time I get rejected.
“Kaya thankful ako kay Direk Coco for giving me an opportunity,” ang rebelasyon ni Yce sa panayam ng ABS-CBN.
View this post on Instagram
Never din daw ipinaalam ni Yce sa kanyang ama ang mga naranasang rejections dahil ayaw niyang humingi ng tulong.
“As much as possible, ayoko pong gumamit ng connections. ‘Cause I want to make a name for myself. Gusto ko patunayan, e. Acting is my passion talaga,” aniya pa.
Inamin din ng binata na gusto na niyang sumuko noong sunud-sunod ang pagkabigo sa mga auditions. Hahanap na lang daw siya ng ibang trabaho na may konek sa tinapos niyang Communication Arts sa University of Santo Tomas.
Baka Bet Mo: Hiling ng kampo ni Vhong Navarro: ‘Sana makalaya na siya sa Pasko at makasama ang pamilya’
Hanggang sa dumating nga ang offer sa kanya ng “Batang Quiapo”. Hindi nga raw siya makapaniwala nang ibalita ni Vhong ang good news at inakalang nagbibiro lang ang tatay niya.
Hindi rin daw nag-audition si Yce para sa role niya sa serye, ibig sabihin talagang pinili siya ni Coco na personal daw na nasaksihan ang performance niya sa isang workshop recital ng Star Magic.
“Feeling ko nakita po ni Direk Coco ‘yung acting ko before. Kasi nag-Star Magic workshop po ako before, tapos I portrayed his character in ‘Sa ’Yo Lamang’ so last scene po kasi namin, para recital po exactly. So feeling ko po nakuha ko dahil doon,” sey ni Yce.
Nitong nakaraang linggo, marami ang nang-okray kay Yce at sinabihang hindi raw siya mukhang artista at kaya lang daw siya nakuha sa “Batang Quaipo” ay dahil sa tatay niyang si Vhong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.