Tanong ni Andrea sa mga kapwa celebrity: 'Kayo ba ay masipag at mabait sa lahat? O, kayo ba yung artista na nang-aapak ng iba para makaangat?' | Bandera

Tanong ni Andrea sa mga kapwa celebrity: ‘Kayo ba ay masipag at mabait sa lahat? O, kayo ba yung artista na nang-aapak ng iba para makaangat?’

Ervin Santiago - April 03, 2023 - 06:58 AM

Tanong ni Andrea sa mga kapwa celebrity: 'Kayo ba ay masipag at mabait sa lahat? O, kayo ba yung artista na nang-aapak ng iba para makaangat?'

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

IN FAIRNESS, maganda ang laman ng naging speech ng Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes sa ginanap na Star Magical Prom na ginanap last March 30 sa Bellevue Hotel, Alabang.

Matapos mag-viral, mapuri at ma-bash sa ginawa niyang “promposal” para sa kanyang basketball player boyfriend na si Ricci Rivero, pinuri naman ng mga kasamahan sa Star Magic pati ng ng kanyang fans ang message na ibinahagi niya sa prom.

Nakuha nina Andrea at Ricci ang “Best Promposal” at “Most Creative Promposal” awards sa nasabing event na dinaluhan ng mga promising youngstars ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Sa nangyaring presentation ng Star Magic’s junior class ngayong 2023, naatasan nga si Andrea na magbigay ng inspirational message sa next generation of stars na gustong sundan ang kanyang mga yapak.

“Hinanda ko talaga speech na ito kaya dala ko phone ko. Kasi I genuinely care for you guys bilang isang Star Magic artist.

“So I was asked to make a speech for you and at first dapat ang magiging focus sa speech na ito is how to handle bashers. Kasi parang yun talaga yung main concerns natin, di ba?” simulang pagbabahagi ng dalaga.

“Pero honestly kasi, bilang artista, sa trabaho natin, hindi natin sila matatanggal. There will always be bashers and you cannot please everyone. And honestly, ang advice ko lang du’n, is just don’t mind them. Alam ko ang hirap nu’n. Believe me, ang hirap talaga nu’n, pero they don’t really matter.

“You know what matters? Yung kung paano kayo bilang tao, paano ba kayo bilang artista. Kayo ba ay masipag? Kayo ba ay mabait sa lahat? O kayo ba yung artista na nang-aapak ng iba upang makaangat?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


“Kasi a lot of us will demand and think kung anong deserve natin, iisipin natin na, ‘Sana ako din, sana ako na lang. Kailan kaya ako eh matagal na ako dito,’” pahayag pa niya.

Baka Bet Mo: Buhay ni Aiko nalalagay sa panganib dahil sa pulitika?

Samantala, may paalala rin siya sa lahat ng mga baguhang miyembro ng Star Magic,  “Listen guys, your time will come. You have to believe in God’s timing. And Siya lang talaga ang makakapagsabi kung anong deserve natin.

“Ako, I had to work hard for 10 years para mabilhan ko ng bahay yung pamilya ko. It took some time yes, pero it happened.

“Alam niyo, huwag kayo masyado magpadala sa pressure. Kasi andito tayo dahil may pangarap tayo. Hindi ito pabilisan. Hindi para malaman kung sino mas mabilis sisikat. Andito tayo kasi may goal tayong lahat di ba? So we worry so much sa iba’t ibang bagay when we should be focusing on ourselves.

“It’s really important to be kind to one another, hindi lang sa kapwa niyo artista, hindi lang sa mga boss natin. Dapat pati sa staff, pati sa crew.

“You should give equal respect to everyone. You should never feel superior kasi malay niyo, sa next project niyo sila na yung director niyo di ba? Sila na yung boss ninyo,” chika pa ni Andrea.

Dugtong pa ng aktres, “And ako kasi, I am a firm believer that if you do good, good will always come back to you. If you show humility, remain responsible, hard-working, God-fearing, and kind, everything will fall into place.

“Kaya let’s just focus on ourselves. If you fall, get back up. If you made a mistake, it’s okay. Lahat tayo dito tao. Ang bata pa nga natin di ba?” paliwanag ni Andrea.

Pagpapatuloy pa niya, “Ako nga I made a lot of mistakes. Pero ang importante is natututo tayo. We learn from it. We do not make the same mistakes twice. And bata pa tayo guys.

“Let’s enjoy our youth. Let’s enjoy our youth ng walang tinatapakang iba. Let’s enjoy our youth while still taking responsibility as an actor. Kasi it’s a commitment.

“I mean, puwede kayong mag-party. Go, gawin niyo yan. Pero make sure sa taping kinabukasan memorize niyo lines niyo. Make sure kinabukasan sa taping hindi kayo gaganyan ganyan, nakikinig kayo sa director niyo. And if you can’t do that, sacrifice the party. Kasi ginusto natin ito di ba?

“If you want to be successful, then you need to prepare to make sacrifices. That being said, magtulungan tayong lahat. Nasa iisang kumpanya lang naman tayo at lagi nating piliin ang pagmamahal,” mensahe pa niya.

Darren Espanto naiyak nang ibahagi ang pangako sa magulang; Seth Fedelin umaming takot pa rin sa parents

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagong pamatay na hugot ni Angelica: Hindi ako favorite child…ako po ‘yung maldita at kontrabida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending