Andrea Brillantes ipinamukha sa bashers na walang masama kung babae ang gumawa ng first move sa lalaki | Bandera

Andrea Brillantes ipinamukha sa bashers na walang masama kung babae ang gumawa ng first move sa lalaki

Ervin Santiago |March 28,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes ipinamukha sa bashers na walang masama kung babae ang gumawa ng first move sa lalaki

Ervin Santiago - March 28, 2023 - 12:11 PM

Andrea Brillantes ipinamukha sa bashers na walang masama kung babae ang gumawa ng first move sa lalaki

Ricci Rivera at Andrea Brillantes

SA gitna ng pangnenega ng bashers dahil sa kanyang viral “promposal”, nag-explain si Andrea Brillantes kung bakit siya ang nagyaya kay Ricci Rivero para maging escort niya sa Star Magic Prom.

Binabanatan kasi ang Kapamilya young actress ng ilang netizens dahil kababae niyang tao ay siya pa ang nagyaya sa kanyang boyfriend na maging ka-date sa naturang event ng Star Magic na magaganap sa March 30.

Nangyari ang “promposal” ni Andrea kay Ricci sa mismong concert ng K-pop group na Blackpink na ginanap sa Philippine Arena, kamakalawa ng gabi, March 26.

Banat ng isang basher kay Andrea, “Baliktad na pla ngayon panahon. Babae na nagyaya (lauging emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Resbak naman ng dalaga, siya raw ang artist ng Star Magic ng ABS-CBN at hindi si Ricci kaya siya na ang nagsagawa ng “promposal” sa basketball player.

Hirit ni Andrea, “It’s for #StarMagicalProm so yes, ako po talaga dapat dahil ako po yung artist ng Star Magic (smiling emoji).”

Nakiusap din ang Kapamilya youngstar, na sana’y tigilan na ang pamamahiya sa mga babaeng gumagawa ng first move sa lahat ng bagay.

“Also, it’s high time we stop shaming girls for making the first move even on other instances (raising both hands in celebration emoji),” chika ni Andrea.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang ‘Siargao date’, bashers tuloy ang pangnenega

Sa ngayon ay burado na ang post ni Andrea ngunit may mga netizens na nakapag-screenshot nito, kabilang na ang social media personality na si Senyora kaya naman mas pinagpiyestahan pa ito ng mga Marites.

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang kontrobersyal na “promposal” ni Andrea sa concert ng Blackpink na “Born Pink” na ginanap sa Philippine Arena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)


Mismong sina Blackpink Rosé at Lisa ang nagbasa sa nakasulat sa placard na celebrity couple, “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”

Sey pa ni Rosé kay Ricci, “Please go to prom with that girl.” Na sinagot naman agad ng binata ng, “Yes!” sabay halik sa noo ni Andrea.

Nauna rito, tinalakan naman ng kapatid ni Andrea ang mga bashers na nagsabing papansin at “clout chaser” ang aktres. Bwelta ni Kayla Aan Gorostiza, “Yes, yun naman talaga point. Fan talaga ang kapatid ko, masama ba kung nag try siya mag papansin sa idols niya?

“Aminin na natin, lahat tayo gusto nating mapansin ng BLACKPINK, ok??? Umaga palang nasa arena na siya para pumila JUST LIKE EVERYONE ELSE.

“Nagpa print siya ng 6 na banners (both in korean & in English) to do a promposal for her VERY FIRST PROM.

“Nag tiis siya sa init, tumayo ng ilang oras, sure din ako nag tiis siya wag umihi. She exerted as much effort as everyone else.

“Artista siya yes, pero hindi ibig sabihin non eh bawal na siyang umasta na parang normal na tao. If ‘normal fan’ yan, y’all would saying ‘cute.’

“Gusto niya lang maging super special ng FIRST PROM NIYA. LET HER BE,” ang buong mensahe ng sisteraka ni Andrea.

Criza Taa ‘binasted’ ang ‘promposal’ ni Josh Worsley: Naa-appreciate ko lahat pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending