First impression ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero: 'Mayabang, suplado, akala mo kung sino' | Bandera

First impression ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero: ‘Mayabang, suplado, akala mo kung sino’

Ervin Santiago |October 05,2022
facebook
share this

First impression ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero: ‘Mayabang, suplado, akala mo kung sino’

Ervin Santiago - October 05, 2022 - 01:37 PM

First impression ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero: 'Mayabang, suplado, akala mo kung sino'

Andrea Brillantes at Ricci Rivero

GRABE pala ang first impression ng Kapamilya youngstar na si Andrea Brillantes sa boyfriend niyang basketball player na si Ricci Rivero.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbahagi ng ilang mahahalagang detalye at nakakakilig na impormasyon tungkol sa kanilang relasyon ang celebrity couple sa madlang pipol.

Game na game na sumabak sa Q&A challenge sina Andrea at Ricci aa pamamagitan ng isang YouTube vlog kung saan sinagot nga nila ang ilang personal na tanong mula sa kanilang mga fans, kabilang na ang mga question kung paano sila unang nagkakilala at sino ang nag-initiate ng first move.

Kuwento ni Ricci, una niyang nakita si Andrea noong 12 years old pa lamang ito sa isang school affair sa La Salle Greenhills, kung saan siya nag-aral.

Pero sabi naman ng aktres, “Una talaga na nagkita kami sa XYLO (isang bar sa Taguig City). Gala with friends. Galing kasi ako sa breakup noon. So, siyempre, ano’ng ginagawa ng mga tao? Lalabas sila. Pa-party with friends, iinom sila.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Hindi nabanggit ng dalaga kung ang tinutukoy niyang break-up ay ang paghihiwalay nila ng dati niyang ka-loveteam na si Seth Fedelin  (October, 2021).

Ani Andrea, inimbita raw siya ng isang kaibigan sa nasabing bar kung saan nagse-celebrate rin daw ng kanyang kaarawan si Ricci. Tandang-tanda pa raw niya ang eksena ng pagdating ng binata sa venue.

“Biglang lahat ng mga tao, ‘Hi, Ricci!’ Bati silang lahat! Ang-VIP naman ng lalaking ‘to. Hindi ko alam, party niya rin pala ‘yun,” aniya.

Hindi nga raw siya pinansin ni Ricci nang dumaan ito sa kinaroroonang pwesto ng kanilang grupo, “Hindi naman kailangan naman na mag-hi siya sa akin kasi artista ako. Wala naman akong paki sa ganu’n. Pero dahil tao ako… sabi ko, ‘Ang yabang!’”

Depensa naman ng basketball player, “Kasi, ‘di ba, nandoon ‘yung friends ko sa kabilang dulo. ‘Di ba ‘pag ikaw may friends ka, hindi mo naman iisipin ‘yung mga nandidito. Pupunta ka muna doon!”

At dahil dito kaya raw nakapag-dialogue si Andrea ng, “Mayabang, suplado, akala mo kung sino.”

Tungkol naman sa kung sino ang gumawa ng first move para magkakilala sila nang personal, unang nag-try si Ricci sa pamamagitan ng pagme-message sa dalaga noong kasagsagan ng seryeng “Kadenang Ginto,” (2018 to 2020). Pero dinedma lang siya ng young actress.

At pagkatapos nilang magkita sa XYLO, ai Andrea naman daw ang nag-initiate ng conversation sa pamamagitan ng private message sa Instagram. Nag-follow uli siya sa IG account ng binata after nilang i-unfollow ang isa’t isa bago sila mag-meet sa bar.

“Ang sabi ko sa sarili ko, ‘In-unfollow ko siya dati, i-follow ko nga ulit.’ Tapos nag-post siya ng astrology. Sabi ko, ‘Wow, you’re into astrology also!’ Kasi nga ‘diba, mahilig ako sa mga zodiac sign,” sey ng dalaga.

Nagkomento rin ang dalawa sa pagkakaroon ng public relationship, sey ni Andrea, “For me, since nagkaroon na rin ako ng relationship na ginawang private, mahirap lang kasi laging tago.

“Ngayon mas masaya kami kasi okay lang na lumabas kami together, mag-date kami na nakikita kami ng mga tao. Hindi kailangan na nagtatago kami,” dagdag ng aktres.

Ang disadvantage lang daw sey ni Ricci, ay ang mga kanegahan ng ilang netizens sa social media, “Hindi mo kasi alam kung naninira, e.”

Sumang-ayon naman kay Ricci ang girlfriend, “Mas madali kaming masira kasi maraming taong involved at puwedeng makialam nang basta-basta ‘pag public ‘yung relationship niyo.”

Naging kontrobersyal at talagang pinag-usapan ang pagpo-propose ni Ricci kay Andrea para maging dyowa ang dalaga. Nangyari ito pagkatapos manalo ng team ng binata sa basketball game match ng UP Maroons noong April 9.

Pag-amin ni Ricci, kung hindi raw sila nanalo nu’ng araw na yun, baka hindi rin niya itinuloy ang “proposal.”

“Hindi po talaga, sinabi ko rin sa kanya (Andrea) ‘yun noong araw na ‘yun. Iyon (manalo sa game) ‘yung isa sa mga signs ko. Marami akong signs noong araw na ‘yun,” sabi ng cager.

Inamin din ni Andrea na hindi niya in-expect na magiging sila ni Ricci,  “Hindi po talaga, kasi una, mas matanda siya, basketball player siya, Lasallian siya.

“Lahat po ng red flags na nakikita ko sa isang lalaki, na sa kaniya. Kasi ‘diba, galing ako sa heartbreak, so kailangan ko protektahan sarili ko. Hindi talaga.

“Kaso, hindi, mabait pala talaga siya,” ang kinikilig pang chika ni Andrea na kitang-kita sa itsura na maligayang-maligaya sa piling ni Ricci.

Related Chika

https://bandera.inquirer.net/308329/andrea-brillantes-ricci-rivero-dating-na-ayon-sa-source-ni-mama-loi

https://bandera.inquirer.net/318362/andrea-sumusumpa-na-hindi-pinagsabay-sina-seth-at-ricci-wala-pa-talaga-akong-planong-mag-boyfriend-ulit-pero

https://bandera.inquirer.net/314777/andrea-brillantes-ricci-rivero-nagpapakasaya-sa-kanilang-siargao-date-bashers-tuloy-ang-pangnenega

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/314023/ricci-rivero-tinupad-ang-promise-sa-up-ikot-drivers-naibigay-na-ang-p200k-ayuda

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending