Heart Evangelista nang ‘ngitian’ ni Bella Hadid: ‘Ay, mabait siya!’
PARA sa fashion icon na si Heart Evangelista, ang pinakamabait na na-encounter niya sa fashion week events sa ibang bansa ay ang sikat na supermodel na si Bella Hadid.
Ito ang chinika mismo ni Heart nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa first episode ng “GCash Spotlight.”
Kwento ni Heart, hindi sila nagkausap ni Bella pero may isang beses daw na nagkatinginan silang dalawa.
Ayon sa socialite, doon niya naramdaman na mabait at sweet ang American supermodel.
“You know who’s the sweetest? Bella Hadid. She’s really, really sweet. I love it. She’s so pretty,” sey ni Heart.
Baka Bet Mo: Heart ‘muntik patayin’, kung anu-ano raw ang ipinainom na gamot?
Chika niya, “Nag-out of character siya. When it was the curtain call, all the models were walking past and they had their game face on.”
“As I looked at her, I think I had a smile on, napatingin siya sa ‘kin, nag-smile siya, and I was like ‘ay, mabait siya’,” Aniya pa.
Recently lamang nang ibinandera ni Heart sa Instagram Stories ang kanyang pagkakilig at fangirl sa Seventeen member na si Kim Mingyu matapos makasama ang huli sa isang fashion event ng luxury brand na Dior.
Sa isang livestream video, nauna nang inamin ni Heart na excited siya sa nasabing event dahil alam niyang nandoon ang iniidolo niyang Korean star.
“Yes, I will be in Dior. I’m so so excited and I know you guys are excited,” sey niya.
Patuloy ng fashion icon, “Believe me, kung makapal lang ‘yung face ko—I know someone is also gonna be there and it’s Mingyu.”
Nabanggit din niya na hindi niya kayang magpa-picture sa kanyang idol dahil super shy siya.
Samantala, si Bella naman ang isa sa highest-paid models in the world na may net worth na $30 million o mahigit P1.6 billion, as of 2023.
Siya rin ang binansagang “Model of the Year” ng British Fashion Council noong 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.