Heart 'muntik patayin', kung anu-ano raw ang ipinainom na gamot?

Heart ‘muntik patayin’, kung anu-ano raw ang ipinainom na gamot?

Reggee Bonoan - February 29, 2024 - 02:07 PM

Heart 'muntik patayin', kung anu-ano raw ang ipinainom na gamot?

Heart Evangelista

KASALUKUYANG nasa Milan Fashion Week si Heart Evangelista kung saan muli siyang rarampa para sa ilang brands at kilalang designers.

Napagkuwentuhan ito nina Ogie Diaz at Mama Loi aa vlog nilang “Showbiz Update” kasama si Dyosa Pockoh.

May post kasi si Heart sa kanyang Instagram stories na binasa ni Mama Loi, “To all my fashion LOVES In fashion week: For clarity I am not affiliated with any other person but @ataparis and @directionsgroupinc.

“So if there is any party that says ‘she cannot make it.’ Kindly confirm with me or my representatives. Thank you so much.”

Kaya ang tanong ni Ogie, sino ang pinariringgan ng isa sa luxury influencer ng Pilipinas.

Baka Bet Mo: True ba, Kiko Estrada na-insecure kay Joshua Garcia kaya biglang nag-resign sa ‘Darna’?

“Nasa Milan Fashion week si Heart, may a-attendan siyang show for Max Mara.  Apparently pagdating niya ro’n nagulat ‘yung mga taga Max Mara na nandoon si Heart Evangelista,” kuwento ni Mama Loi.

“Bakit sila nagulat?” tanong kaagad ni Ogie.

Sabi ni Mama Loi, “Hindi nila ini-expect kasi mayroon daw tumawag na hindi raw makakarating si Heart Evangelista, so merong nanabotahe! So, hindi pa alam kung sino.

“Siyempre ang mga netizens nag-speculate na nandoon si Heart, nandoon din ‘yung dati niyang glam team. Di ba dati may mga issues na kinuha rin ang mga contacts, although walang confirmed kung sino talaga dahil inaalam pa kung sino ‘yung tumawag.  ‘Yun nga ang nangyari na parang merong effort na hindi siya makakarating, eh, a-attend siya,” ayon kay Mama Loi.

Batay sa opinion ni Ogie ay sa organizer daw galing ang imbitasyon at may kumontak naman na sinabing hindi nga makakarating si Heart.

Kaya na-off si Heart dahil dumalo siya sa nasabing event tapos nagulat ang lahat na naroon siya kaya pakiramdam nito, hindi siya imbitado.

Say ni Ogie, “So, ang itinuturo ‘yung dating glam team niya? Ang nabalitaan ko naman ay iba.

“Hiwalay na kuwento na po ito, ha, hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy ng kampo ni Heart na dati raw ay may mga taong kung anu-anong ipinapainom sa kanya. Ang term na ginamit habang kausap ko sa phone, ‘muntik patayin si Heart!’

“Madaming gamot daw ang ipinaiinom dati kay Heart na akala raw ni Heart ay para sa kalusugan niya, para sa kanyang wellness. Yan ay nakarating lang naman sa akin pero di ko naman alam kung sino ang itinuturo.

“Anyway, ito lang ang masasabi ko pag naghiwalay na kahit hindi magkibuan, ‘wag na lang maggagantihan. Kunwari sa kampo ni Heart, sa kampo rin ng dating glam team tahimik na lang, gawin na lang natin kung ano ‘yung trabaho natin,” sabi ng talent manager.

At bago magtapos si Ogie ay napansin niyang parang nagiging magkamukha na sina Heart at si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na say naman ni Mama Loi, marami nga siyang nabasang komentong ganu’n mula sa netizens.

Hirit naman ni Dyosa Pockoh, “Siyempre naman Mama Loi kasi ‘yung dating glam team ni Heart ay glam team ngayon ni Pia kaya hawig at lahat ng video ay napanood ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Ogie, “E, dapat iniiba puwede namang palabasin ang ibang look ni Pia.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending