Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa! Bandera

Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa!

Ervin Santiago |October 14,2021
share this

Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa!

Ervin Santiago October 14, 2021 - 08:57 AM

Heart Evangelista at Chiz Escudero

INAMIN ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na muntik na rin niyang hiwalayan noon ang asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Ayon sa aktres at fashion icon, nakasanayan na niya na hiwalayan ang mga lalaking nakakarelasyon kapag nagkaproblema at kumontra na ang kanyang mga magulang.

Sa bagong vlog ni Heart, sumabak sila ni Chiz sa “Never Have I Ever” game kung saan sinagot nga ng celebrity couple ang ilang mga tanong tungkol sa kanilang personal na buhay.

Isa sa mga unang itinanong ni Heart kay Chiz ay kung makikialam ba ito sa kanyang showbiz career sakaling may makita siyang dahilan para patigilin ito sa pag-aartista.

“Probably if you’re sick, or weak, or going through something. I would, so that you can recover faster,” sagot ng gubernador.

“But other than that I can continue to do what I want for the rest of my life?” sundot na tanong ni Heart. Tugon ni Chiz, “Unless I need you for something.”

Sumunod na tanong ng Kapuso star sa kanyang mister, kung may pagkakataon bang naisip niyang i-give up na ang kanilang relasyon dahil sa pinagdaanan nilang mga pagsubok.

“No, not my personality to do so,” ang sagot ni Chiz.

Pag-amin naman ni Heart, “Me, I actually, not naman broke up with him pero that was the plan. I was supposed to break up with him because I always do that with my ex-boyfriends whenever things were getting really bad with my parents.

“Because I felt like I was a curse because I knew what was going to happen next. But yeah, I did,” pagpapakatotoo ng aktres.

Kung matatandaan, naging kontrobersyal din ang love story nina Heart at Chiz dahil sa pagkontra ng mga magulang ng aktres na sina Cecile at Rey Ongpauco.

Inakusahan pa nga nila si Chiz ng kawalan ng respeto at kung anu-ano pang masasakit na salita. Hindi rin um-attend ang parents ni Heart sa kasal niya na ginanap sa Balesin Island Club noong February, 2015.

Ngunit makalipas ang ilang taon, natanggap na rin ng mga ito si Chiz at ngayon ay todo puri na nila ang politiko bilang asawa ng kanilang anak.

Sa tanong naman ni Chiz kung may pinagselosan na ba si Heart sa mga nakatrabaho niya, “Never. Actually no, I’m not this selos type. When I was younger, I was very jealous especially because I was, you know, with a lot of showbiz people.

“Not naman a lot, but yeah, I had a good track record. Charot! It was hard because I know how promiscuous showbiz can be,” pahayag ni Heart.

Reaksyon naman ni Chiz, isa raw sa mga advantage ng pagkakaroon ng average-looking guy na dyowa ay walang masyadong kaagaw.

Kinontra naman siya ni misis, “Darling, you know, it’s not about being gwapo. Can I just say? First and foremost, it’s not like you’re fugly. You’re so good looking, you have that gravitas when you walk into a room. Hello, I saw you, sa La Union pa kita nakita, grabe ‘no, nagulat ako.

“I’ve always had a crush on you because of the way you spoke and how intelligent you are. So I thought that I would be jealous because nga siyempre, when you’re with somebody who is also in a way in a certain position, maraming mga kekembot. But, huh! Try me. Try me, darling,” ang tila may pagbabantang sey ng aktres.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending