Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha? | Bandera

Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?

Therese Arceo |December 14,2021
facebook
share this

Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?

Therese Arceo - December 14, 2021 - 07:52 PM

Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?

KINAGILIWAN ng mga netizens ang video nina Kapuso actress Heart Evangelista at ng asawa nitong si Chiz Escudero habang namimili.

Sa isang video na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ay makikitang nakatingin ang aktres sa mga luxury items sa isang boutique nang biglang takpan ni senatorial aspirant Chiz Escudero ang mga mata nito gamit ang kanyang palad.

“Pikit,” tanging saad ni Heart sa kanyang post.

Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa video ng mag-asawa.

“‘Yung ang gastos ng asawa mo. Hahahaha. Bawat dadaanan na store need mo takpan ‘yung mata,” comment ng isang netizen.

“Sobrang cute n’yo!!!! Ang kulit!” sabi naman ng isang netizen.

“I am laughing with Ms. Heart’s reaction when her husband covered her eyes. A body gesture of ‘pigilan mo sarili mo sa nakikita mo’, hirap maging babae kapag usapang shopping,” sey naman ng isang netizen.

Samantala, may isa na namang ibinahaging video sa Instagram si Heart kasama ang kanyang asawa.

“It’s an everyday kind of reaction,” saad ni Heart.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Sa video ay maririnig ang isang sales agent na kausap ni Heart sa telepono habang kinukumpirma ang purchase nito sa isang mamahaling shop.

Biglang tumigil si Chiz sa kanyang ginagawa sa cellphone at tiningnan ang asawa.

Walang audio ang politiko ngunit kung babasahin mo ang kanyang labi ay mukhang ito ang kanyang sinabi sa asawa, “Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan? Ano yan, ha?”

Isa si Heart Evangelista sa mga kilalang artista na may mga koleksyon ng mga designer brands mula sa damit maging pati sa mga alahas, bags, at sapatos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanyang YouTube channel ay mapapanood ang kanyang mga vlogs patungkol sa kanyang mga mamahaling collections.

Related Chika:
Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa!
B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending