B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng! Bandera

B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

Ervin Santiago |October 10,2021
share this

B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

Ervin Santiago October 10, 2021 - 02:10 PM

Chiz Escudero at Heart Evangelista

MULING ibinandera ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang wagas na pagmamahal sa kanyang asawang si Chiz Escudero.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng fashion icon ang kanyang super kilig na mensahe para sa ika-52 kaarawan ni Chiz ngayong araw.

Ayon sa kanyang Twitter post, nagpapasalamat siya na sila’y pinagtagpo ni Chiz at itinadhana para sa isa’t isa. Inilarawan pa niya ang asawa na isang “blessing” sa napakaraming tao.

“Mawala na lahat wag Lang ikaw, mahal na mahal kita. Happy birthday darleeeeeng,” ang pahayag pa ng Kapuso star.

Sa kanyang Instagram account naman, nag-post din si Heart ng ilang litrato kung saan magkasama pa rin sila ni Chiz na kuha sa isang studio.

“My ride-or-die. Happy birthday, babe,” ang inilagay niyang caption dito 

Nito lamang nagdaang linggo, inamin ni Heart na makalipas lang ang dalawang buwang pagde-date ay naramdaman na nilang mahal na nila ang isa’t isa.

Sa isa niyang Instagram stories, ipinakita ng aktres ang kanyang braso kung saan isinulat ni Chiz ang nakakakilig na message nito para sa kanya.

“Ikaw lang… ang iibigin ko… pangako… walang nang iba!” ang nakalagay sa braso ng aktres na sulat-kamay nga ng politiko.

Ito naman ang inilagay na caption ni Heart, “2 months of dating…He wrote that @escuderochiz.” 

Ipinost din ng Kapuso actress ang litrato ng kamay ni Chiz na may nakasulat na “I’ll love you forever.” May kasunod pa itong message pero hindi na nakita sa litrato.

Anim na taon nang mag-asawa ang celebrity couple at nito nga lang nakaraang February nang maf-celebrate sila ng kanilang anniversary. 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending