Gina nag-sorry kay Claire sa sobrang lakas ng sampal: OK lang po, isang karangalan! Bandera

Gina nag-sorry kay Claire sa sobrang lakas ng sampal: OK lang po, isang karangalan!

Ervin Santiago |October 14,2021
share this

Gina nag-sorry kay Claire sa sobrang lakas ng sampal: OK lang po, isang karangalan!

Ervin Santiago October 14, 2021 - 08:59 AM

Claire Castro at Gina Alajar

NAG-SORRY naman pala agad ang veteran actress-director na si Gina Alajar matapos ang nakakalokang sampalan scene nila ni Claire Castro sa Kapuso series na “Nagbabagang Luha.”

In fairness, talagang trending sa social media ang eksenang yun at pinag-usapan nang bonggang-bongga ng mga manonood. In fact, umabot pa sa three million ang views nito sa official Facebook page ng GMA.

Inamin ni Gina na naging makatotohanan ang sampal niya kay Claire na ikina-shock nga ng baguhang young actress at ng buong cast and production.

“Actually, lahat po kami nagulat, e! Kasi ang alam po namin na gagawin ni Direk (Gina) is haharap pa po then sasampal. Lahat kami, kahit nakita niyo po ‘yung reaksyon ni Ate (Glaiza de Castro), napatakip ng bibig po talaga siya e,” kuwento ni Claire sa panayam ng “24 Oras.”

Sey naman ni Gina, “Sabi ko kay Direk Ricky (Davao), sinagest ko na imbes na pagharap ko, sampalin ko siya rito, since nasa (kanan na ‘yung kamay ko), i-backhand ko na siya. Kasi alam ko meron nakapagsabi sa akin no’n kapag sinampal ka ng patalikod, it’s very humiliating.”

Agad naman daw siyang humingi ng paumanhin kay Claire pagkatapos ng eksena, “After the sampal, I really hugged her so tight and said ‘I’m sorry, I’m sorry, I’m sorry.’  

“Ganu’n, kasi talagang napakalakas ‘yung sampal ko tapos sabi niya ‘It’s okay po, I can take it.’ Napakabait naman ng batang ‘yun,” aniya pa.

Samantala, sinabi naman ni Claire na malaking tulong din ang personal niyang pinagdaraanan para maitawid ang kanyang breakdown scene 

“Siguro halos 40 minutes akong naligo after no’n kasi po ‘yung hair ko ayaw po matanggal ng icing. Saka sa ears ko po ang dami pero ang saya po ng scene na ‘yun for me kasi lahat po siguro ng pinagdadaanan sa personal life ko, nilabas ko po do’n by crying,” chika ng dalaga.

Itinuturing naman ni Claire na isang “karangalan” ang masampal nina Glaiza at Gina sa “Nagbabagang Luha.”

Sey ni Claire, “Fan girl din po ako, eh. Si Ate Glai po kasi, sinasabi po niya talaga sa akin na hihinaan lang niya. Kasi parang ayaw niya akong sampalin, ayaw niya po akong masaktan. Ganoon po kabait si ate Glaiza, sasabihin niya sa ‘yo ”

“Tsaka si Direk Gina rin po, before po ‘yung scenes namin, mauuna ‘yung sorry,” chika pa ni Claire.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending